Trending topics ang #MarcosDuwag at #BaBackoutMuli sa Twitter matapos tumangging dumalo si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa gaganaping KBP presidential candidates forum bukas, Pebrero 4, 2022.
Sinabi ni Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas President Herman Basbaño na inimbitahan nila ang anim na presidential aspirant ngunit nagpadala ng sulat ang kampo ni Marcos na hindi ito makadadalo dahil sa "conflict of schedule."
"May letter naman sila declining the invitation...that's because of some conflicts sa mga schedules nila," ani Basbaño sa panayam sa TeleRadyo nitong Huwebes, Pebrero 3.
Sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, at Leody de Guzman ang inaasahang dadalo sa forum.
Ang KBP forum ay pangungunahan ni ABS-CBN journalist Karen Davila at CNN Philippines journalist Rico Hizon.
Matatandaang hindi rin nakadalo si Marcos sa "The Jessica Soho Presidential Interview" noong Enero 22 dahil ayon sa kaniyangkampo, "biased" umano si Jessica Soho laban sa mga Marcosna maaari umanong ang mga katanungan ay tutuon lamang sa negatibong impormasyon tungkol kay BBM.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/22/kampo-ni-marcos-jr-nagsalita-na-sa-hindi-pagsali-ni-bbm-sa-gma-show-jessica-soho-biased-daw/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/22/kampo-ni-marcos-jr-nagsalita-na-sa-hindi-pagsali-ni-bbm-sa-gma-show-jessica-soho-biased-daw/
Inasahan ding magkakaroon siya ng live interview sa DZBB noong Enero 28 ngunit hindi ito nakadalo dahil nagkaroon umano ito ng problema sa pagkonekta online dahil nasa Davao si Marcos. Hindi rin ito nakadalo sa mga virtual caravans ng UniTeam.
Samantala, trending topic sa Twitter ang#BaBackoutMuli atmulingnagtrending ang #MarcosDuwagdahil sa ulat na hindi makadadalosi BBM sa naturang presidential forum.
Mayroong 4,714 tweets ang#BaBackoutMuli habang 5,342 tweets ang#MarcosDuwag.
Basahin:https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/