Umaabot na lamang sa mahigit 153,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 8,702 na bagong kaso ng sakit at mahigit 15,000 naman na gumaling sa karamdaman nitong Huwebes, Pebrero 3.

Sa case bulletin #691, umabot nasa 3,585,461 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 4.3% o 153,335 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay mga mild cases na nasa 143, 493 habang ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit ay nasa 4,923 naman.

National

PBBM, balik-trabaho na? 2025 Nat'l Budget, muling pinag-aaralan

Ang mga may moderate cases naman ay nasa 3,067 habang 1,528 naman ang may severe cases at 324 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 15,290 na gumaling sa sakit kaya’t umaabot na ngayon sa 3,377,958 ang total COVID-19 recoveries sa bansa. Ito ay 94.2% ng total cases.

Nasa 71 naman ang binawian ng buhay sa sakit. Sa ngayon ang total COVID-19 deaths sa bansa ay 54,168 na o 1.51% ng kabuuang kaso.

Mary Ann Santiago