Ipinagmalaki nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagtanggap ng Sta. Ana Hospital (SAH) ng pinakaaasam na TUV- SUD ISO 9001:2015 certification, na nangangahulugan na muling tumaas ang antas ng healthcare services sa naturang pagamutan.

Personal na tinanggap nina Moreno, Lacuna at ng kanyang runningmate na si Congressman Yul Servo at SAH Director Dr. Grace Padilla ang TUV- SUD ISO certification mula kay Philippines Senior Business Development Executive Stephen Yang. Ang nasabing ISO certification ay nagpapakita ng abilidad ng ospital na magampanan ang inaasahang serbisyo para sa mga taong pinaglilingkuran nito.

Binati rin ni Moreno, na tumatakbo rin sa pagkapangulo sa May 9, 2022, ang buongSAH team sa liderato ni Dr. Grace Padilla, “for their unwavering quest for health excellence”.

Mula sa dating kalunos-lunos na estado nito kung saan kabi-kabila ang nasasawing pasyente, sinabi ni Moreno na ang SAH ay umangat at nagingmodel hospitalna pinamamarisan ng iba pang pampublikong pagamutan. Ito ay pinatatakbo ng city government at itinayo para tumulong sa mga residente ng sixth district.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kaya nga Mona Lisa ang dating tawag sa SAH. Because you lie there and just die there. Its turnaround transformation into its present status under the leadership of Dra. Padilla is just phenomenal,” sabi ni Moreno.

Ayon naman kay Lacuna, na siyang in- charge city’s health cluster at tumatakbo naman sa pagka-alkalde sa Maynila, ang  SAH ay pangunahing ospital pagdating sa paggagamot ng  COVID-19. Dito rin matatagpuan ang  storage facility ng lahat ng uri ng lCOVID vaccines,  molecular testing laboratory kung saan prinoproseso ang lahat swab tests at  ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) na itinatag bago pa maganap ang pandemic.

Idinagdag din ni Lacuna na ang SAH ay mayroon ng high-tech dialysis unit at kamakailan lang  ay mayroon na rin itong  robotics unit na tutulong sa mga biktima stroke at paralysis.

Bago ang certification process, ang SAH ay nagpatupad ng quality management system base sa ISO requirements at effectiveness at ito ay dokumentado. Ito ngayon ay sinundan ng  documentation review audit,  on-site audit, closing the gap processes, certification issuance and surveillance audits o annual audit  na siyang  required upang ma-maintain certification validity. 

Mary Ann Santiago