BAGUIO CITY - Apatnapu't tatlong wanted person, na kinabibilangan ng 14 Top Most Wanted personalities mula sa regional, provincial, city at municipal, station levels ang nasakote sa manhunt operation ng pulisya mula Enero 24-30 sa magkakahiwalay na lugar sa Cordillera.

Sa ulat na ipinalabas ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Benguet  PPO ang may mataas na bilang na nahuli sa loob ng isang linggong operation mayroon itong 19, sinundan ito ng Baguio City Police Office na 15, samantalang tig-apat sa  Apayao at Kalinga PPO at isa sa Abra PPO.

Ayon sa RIDMD, nadakip na ang Regional No. 5 Most Wanted Person (MWP) na si Reynaldo A. Galanido, sa kasong Rape.

Sa City Level, nadakip naman si Noel C. Domingo, No. 3 MWP sa kasong Robbery with Intimidation.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa Provincial Level, nadakip si Danny Y. Maruquin, No. 2 MWP sa kasong murder with illegal possession of a firearm; Edwin R. Villegas, No. 6 MWP sa kasong Murder at Devy Q. Gapas, No. 6 MWP sa kasong Anti-Violence against Women and Children Act of 2004.

Kabilang pa sa  Provincial Level ay sina  Kenneth L. Bankin, No. 1 MWP at Jemler B. Lasaten, No. 6 MWP, kapuwa may kasong Rape at Elenger L. Tamayao, No. 9 MWP sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (RA 10883).

Sa Municipal Level, ang No.1 MWP na si  Marvin Garay ay nadakip sa kasong paglabag sa RA 7610 at Pedro B. Vicente, No. 1 MWP sa kasong paglabag sa Article 315 as amended by PD 1689 (Swindling).

Sina Mc John R. Balazon, No. 5 MWP at Glaiza C. Bianes, kapuwa may kasong Qualified Theft; Armando G. Ledesma, No. 9  Grave Threats in relation to RA 9262 at Eugene Fernandez, No. 4 MWP sa kasong Robbery with force upon things ay nakatala sa Station Level.

Zaldy Comanda