May sweet birthday message ang kontrobersyal na social media personality na si Whamos Cruz sa kaniyang jowang si Antonette Gail, na nagdiwang ng kaniyang ika-18 kaarawan at nagsagawa ng isang bonggang debut party.

Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa noong 2021 dahil marami ang nagsabing hindi sila bagay ni Antonette.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/31/idol-philippines-contender-at-tiktok-idol-whamos-cruz-natagpuan-ang-true-love/

"Unang-una sa lahat kasi hindi huli, HAPPY HAPPY BIRTHDAY SA MAHAL KO Antonette Gail. Sobrang saya ko kasi 18th ka na, alam n'yo na 'yon kung bakit masaya ako hahahahaha char, wish ko lang naman matupad mo mga pangarap mo sa buhay mo, maging masaya ka sa kaarawan mo at papasayahin din kita sa mismong araw ng bday mo saka after ng bday mo char," ayon kay Whamos.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

Screengrab mula sa FB/Whamos Cruz

May be a closeup of 2 people and people standing
Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Larawan mula sa FB)

Ayon kay Whamos, nalagpasan na nila ni Antonette ang mga dagok na dumating sa kanilang relasyon. Matatandaang naging 'You and me against the world' ang nangyari sa kanilang dalawa. Mismong ina ni Antonette ang pumalag sa kanilang pag-iibigan, na umabot pa sa public service show ni Raffy Tulfo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/07/ina-ni-antonette-kay-whamos-kailan-mo-balak-iuwi-ang-anak-kong-sinilaw-mo-sa-materyal-na-bagay/

Ayon sa ina ni Antonette na si Dolly Gail Del Rosario, 17 anyos pa lamang ang kaniyang anak na tinanan ni Whamos. Dito rin ay naungkat ang pinakatatagong lihim ni Antonette; na umano'y 'sinasaktan' at 'minomolestya' umano siya ng step dad niya. Subalit nanaig pa rin ang pagmamahalan nila para sa isa't isa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/08/antonette-del-rosario-sinasaktan-at-minomolestiya-ng-stepdad-kaya-sumama-kay-whamos/

"At wag isipin ang mga problema kasi nalutas na natin 'yan at nalagpasan natin at walang makakapigil sa ating dalawa dahil tayo ang pabebe girls, char lang basta tuparin at gawin natin yung mga pangako natin sa sarili natin at congrats sa mga narating mo ngayon."

"Maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo rin sa akin at tutumbasan ko pa 'yon. Love you mahal ko. HAPPY BDAY!"

Bukod sa pakikipagrelasyon kay Antonette, kumalat din ang isyu na may inabandonang girlfriend at anak si Whamos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/03/money-can-change-people-nga-ba-whamos-cruz-iniwan-ang-dating-gf-at-anak/

Samantala, ibinahagi naman ni Antonette Gail sa kaniyang Facebook page at vlog ang mga kuhang litrato at video sa kaniyang bonggang debut party.

May be an image of 11 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Antonette Gail Del Rosario

May be an image of 6 people and people standing
Larawan mula sa FB/Antonette Gail Del Rosario

May be an image of 7 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Antonette Gail Del Rosario

May be an image of 1 person and indoor
Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Larawan mula sa FB)

May be an image of 2 people and indoor
Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario (Larawan mula sa FB)