Binigyan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng promosyon ang government prosecutor na may hawak sa kasong kinakaharap ni Senator Leila de Lima.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Miyerkules, Pebrero 2, at sinabing na-promote si Prosecutor Ramoncito Bienvenido Tansioco Ocampo, Jr. bilang Bulacan provincial prosecutor.

Papalitan ni Ocampo si Renato Samonte, Jr. sa puwesto.

Bukod kay Ocampo, promoted din sina Prosecutor V Giovanne Tan Lim bilang Manila city prosecutor at Prosecutor V Laurence Joel Matias Taliping bilang Marikina City prosecutor.

Ginawa kay Ninoy, ibang-iba sa pinagdadaanan ni FPRRD —Pamilya Aquino

Paniniyak ni Guevarra, si Ocampo pa rin ang lead prosecutor sa hinahawakan nilang illegal drug cases laban kay De Lima na nakabinbin pa rin sa Muntinlupa City regional trial court (RTC).

Jeffrey Damicog