Marami ang nang-iintriga ngayon sa aktor na si Carlo Aquino kung ang partner bang si Trina Candaza ang pinatutungkulan niya sa latest TikTok video kung saan kumakanta siya ng awiting 'Pagsamo' ni Arthur Nery sa saliw ng gitara.

"Kung bibitaw nang mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating/Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing/Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap/Ba't pa ipapaalala 'di rin naman panghahawakan ba't pa ipipilit kung 'di naman tayo ang (kung di naman)…"
"Para sa isa't-isa oh 'di ba sinta tayong dalawa lang noon…"
"Para sa isa't-isa oh ba't 'di sumang-ayon sa 'tin ang panahon…" bahagi ng lyrics ng awitin na itinampok ni Carlo.
Bumuhos naman ang paghanga ng mga netizen sa malamig na tinig ni Carlo, na may talento rin sa pag-awit.
"Eargasm!"
"Husay! Idol, puwede mag-request ng song na iko-cover mo next time?"
"Wow ang galing mo talaga idol. Sarap sa tenga… we love you!"
"Sarap sa ears ng boses talaga!"
"My ultimate crush! Sarap sa tenga ng boses. Mas lalong nakaka-in love!"
Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizen ang nagkomento at nag-usisa kay Carlo, na gumaganap bilang 'Jordan' sa magtatapos na 'La Vida Lena' na pinagbibidahahan ni Erich Gonzales, sa Kapamilya Network, tungkol sa isyu ng hiwalayan umano nila ni Trina Candaza.
"Tse!"
"Di mo kinapogi 'yan hahaha babaero!"
"Mag-ayos na kayo."
"Makipag-ayos ka na kay @Trina Candaza para kay Mithi."
Unang pumutok ang mga balitang baka hiwalay na ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa partner niyang modelo na si Trina Candaza nang mapansin ng mga 'Marites' na wala silang posts na magkasama sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Subalit noong Enero 13 ay pareho silang nag-post ng litrato para sa paid partnership/endorsement ng isang produktong diaper, kasama ang kanilang baby girl na si Mithi.
Noong Biyernes, Enero 28, 2022, may pasabog si Trina tungkol sa partner na may pinupuntahan umanong ibang babae. Aniya, hindi na raw magbabago ang isang lalaki na matagal nang sakit sa ulo, bagama't hindi naman niya binanggit kung ang tinutukoy ba niya ay si Carlo.
"You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya."
“Kung may pinupuntahan na agad na babae…"
“Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa n'yo na sakit sa ulo, hindi na 'yan magbabago," ayon sa FB post ni Trina na talaga namang nakapa-juicy at kinuyog ng mga Marites.
Nadawit pa sa isyu ng kanilang hiwalayan ang dating katambal at ex-jowa ni Carlo na si Kapamilya actress Angelica Panganiban, batay sa pasabog ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.
Mas lalo pang umingay ang isyu nang lumipat ng bagong bahay si Trina kasama ang anak.
Hindi naman pinalampas ni Trina ang isang komento ng netizen sa gitna ng usap-usapan sa umano’y hiwalayan nila ni Carlo Paratang kasi ng Marites, ‘karma’ ang nangyari kay Trina matapos ‘pumatol’ kay Carlo kahit na umano’y karelasyon nito si Angelica.
"Karma is a bitch talaga. Ayos lang 'yan! Pumatol ka nga kay Carlo noon, ng sila pa ni Angelica eh. Mas masakit talaga kapag binalikan ka ng karma doble yung sakit, Worst is, may anak pa kayo,” walang prenong komento ng isang netizen sa isang Facebook post ni Trina.
“Huh? Hindi naman sila nagkabalikan, sa ‘kin nag-commit ta’s ang labas ako pa ang nang-agaw,” palabang tugon ni Trina.
Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag dito si Carlo Aquino o si Angelica Panganiban.