BACOLOD CITY — Pinagbabaril ang isang negosyante ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Barangay 4, Victorias City, Negros Occidental nitong Martes.

Napatay si Iksan Umpar, 35, ng Barangay 13, na isang pangulo ng Muslim community sa lungsod.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Joseph Fajardo Jr., hepe ng Victorias City police, isasara na sana ng biktima ang pinto ng minamaneho nitong sasakyan, nang biglang sumulpot ang gunman at pinagbabaril ito.

Sinabi ni Fajardo na idineklara ang biktima na dead on arrival sa isang ospital, habang ang kanyang asawa, na nakaupo sa tabi niya sa front seat, ay hindi nasaktan.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Sinabi ni Fajardo na pauwi na sana ang mag-asawa matapos isara ang tindahan nito sa lugar, nang malamang hinintay sila ng gunman.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .9mm na baril.

Sinabi ni Fajardo na kinokonsidera nila ang lahat ng anggulo sa likod ng pagpatay. Dagdag ng asawa ng biktima, nakatanggap ito ng mga pagbabanta kamakailan.

Aniya, dati nang naaresto ang biktima dahil sa ilegal na sugal.

Glazyl Masculino