LAGUNA - Nakumpiska ng pulisya ang iba't ibang uri ng pekeng gamot matapos mahuli ang umano'y magkasintahan na nagbebenta nito sa ikinasang buy-bust operation sa Bay ng nasabing lalawigan nitong Miyerkules, Pebrero 2.
Sa ulat na natanggap ni Police Regional Office (PRO-Region 4) director, Brig. Gen. Eliseo Cruz, nakilala ang mga suspek na sina Johnell Onieza Lilia, 37, tricycle driver at Jerim Grace PerezBlanco, 29, kapwa taga-Brgy. San Antonio, Bay, Laguna.
Sa police report, kaagad na inaresto ang dalawang suspek matapos bentahan ng dalawang kahong pekeng paracetamol na Bio fluat isang kahong Alaxan FR ang isa sa pulis na nagpanggap na buyer.Bukod dito, nasamsam din kina Lilia at Blanco ang kahun-kahong iba't ibang klase ng pekeng gamot.
Nakatakdang ipadala saFood and Drug Administration (FDA) ang mga kumpiskadong gamot upang isailalim sa pagsusuri.
Inihahanda na ng pulisya ang mga kaso laban kina Lilia at Blanco.
Danny Estacio