Matapos ibahagi sa Instagram story ni Kapamilya teen actress Francine Diaz ang natanggap na DM kay “All Of Us Are Dead” star Yoon Chanyoung nitong Martes, nilinaw nitong siya ang unang nagpadala ng mensahe sa aktor.
Sa isang tweet, nilinaw ni Francine na nag-reply lang kanyang mensahe sa Instagram ang aktor taliwas sa unang inakala ng lahat na ang aktor ang nagpadala ng mensahe.
“Reply niya yan sa message ko haha. Hindi sya ang nag send ng dm sakin,” sabi ng aktres.
Sa kanyang naunang story, makikita ang wave emoticon na natanggap ng Kapamilya actress na kanya namang tinugunan ng heart reaction.
Sa isa pang hiwalay na story nu Francine, nakapaskil ang lawaran ni Chanyoung. Ang South Korean actor ay gumanap bilang Cheong-san, pangunahing karakter sa All Of Us Are Dead.
Sa kanyang Twitter noong Martes, sinabi niyang sa aktor lang siya papayag na ma-seen-zoned.
Bago ang All Of Us Are Dead, una nang napanuod si Chanyoung sa mga proyektong "Nobody Knows", "Do You Like Brahms," "Doctor John" bukod sa iba pa.