Natuloy na umano ang pagsasampa ng cyber libel case ng National Bureau of Investigation o NBI sa talent manager at aktres na si Annabelle Rama sa Office of the City of Prosecutor sa Las Piñas City, kaugnay ng reklamong inihain sa kaniya ni Jayke Joson, dating business associate ni presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao.

Batay sa ulat, nakakita umano ng merito sa reklamo ang NBI, matapos itong isinumite noong Oktubre 27, 2021 sa pamamagitan ng mga abogado ni Joson na sina Atty. Larry Gadon at Atty. Ramon Esguerra. Nag-ugat ang reklamo sa pagsasagutan nina Rama at Joson sa social media. Nagsunod-sunod din ang tweet ni Rama laban kay Joson. Inakusahan umano ni Rama ang dating associate ni PacMan na 'magnanakaw'.

Una nang nagbantang idedemanda umano ni Joson si Rama noong Oktubre 2021.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/25/annabelle-rama-idedemanda-ni-jayke-joson-dahil-sa-mapanirang-tweets-nito/

Tsika at Intriga

Herlene kay 'Kuya' ng PBB: 'Pasok mo ko, talakan ko lang mga namamlastik kay Ashley!'

“The NBI formally wrapped up its probe and recommended to file a cyberlibel raps against Annabelle Rama in Las Piñas City Prosecutors Office,” ayon sa pahayag ng kampo ni Joson.

“I pursue this case to fight a bully and a spreader of fake news. These people who act like trolls like Annabelle Rama are creating fake news to discredit the name of a person for personal gain."

“Bigyan natin ng sampol ang mga walang habas na gumagawa ng maling impormasyon sa kanilang personal accounts. Labanan natin 'yan!” dagdag pa.

Ayon naman sa abogado ni Rama na si Atty. Maggie Abraham, hindi pa nila nababasa ang kabuuang detalye ng kaso. Sa ngayon, nakaabang sila sa kopya ng subpoena ng korte para makapaghain sila ng counter-affidavit.

Samantala, may kontra-demanda rin si Rama na cyber libel case laban kay Joson noong Disyembre. 7, 2021 sa Office of the City Prosecutor naman ng Quezon City. Sa isang panayam kasi noong Oktubre 2021, tinawag umano siyang 'swindler' ni Joson at maraming mga nakabinbing kaso.

"He likewise said in that interview that Ms. Annabelle Rama has pending cases for estafa at RTC Manila and other pending cases before courts in Quezon City when Ms. Rama has no pending cases in these courts."

"We secured certifications from OCC-RTC and MTC of Manila and QC proving that she has no pending cases with them,” saad ng abogado ni Rama sa panayam ng ABS-CBN.