Sinabi ng kontrobersyal na aktres na si Vivian Velez na wala siyang pakialam kung ma-bash o ulanin man siya ng mga patutsada o maaanghang na komento sa social media dahil sa pagbibigay niya ng mga opinyon hinggil sa mga nangyayari sa papalapit na halalan, partikular sa bakbakan ng mga kandidato sa pagkapangulo.

Kamakailan lamang ay muling nalagay sa 'hot seat' si Vivian dahil sa tila pasaring niya sa naging takbo ng panayam ni King of Talk Boy Abunda kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Nakasaad sa social media post ni Vivian Velez, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang isa sa mga naging tanong ni Boy kay VP Leni; kung narco state ba ang Pilipinas. Ang sagot dito ni VP Leni ay 'No'. Muli siyang tinanong ni Tito Boy kung bakit, at ang sagot naman ni VP Leni ay 'Because drug problem is huge'.

Reaksyon ni Vivian, "Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pag-asa si Leni?"

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May be an image of 3 people and text that says '< Vivian Velez 1d Boy Abunda: Are we a narco state? Leni: no! Boy Abunda: Why? Leni: Because drug problem is huge. Namamangha si Boy Abunda! Meron pa bang pagasa si Leni?'
VP Leni Robredo at Boy Abunda (Larawan mula sa FB/Vivian Velez

Sa isa pang Facebook post ni Vivian noong Enero 28, muli niyang ipinaliwanag ang kaniyang panig tungkol sa kaniyang naunang post.

"Uulitin ko para maintindihan ang post ko. Dami kasing pinapalusot pa ang stupidity," aniya.

Muli niyang isinama ang naging takbo ng pag-uusap nina Tito Boy at VP Leni tungkol sa isyu ng 'narco-state'.

"If we try to analyze Leni’s answer to Boy's question, WHY, did she answer it? She didn't know the meaning of 'a narco-state'?"

Giit pa ni Vivian, dapat daw ay alam ng isang magiging lider ng bansa ang mga termino at nag-eexcel kahit sa mga simpleng tanong.

I don't care if people bash me for my opinions. Di ko isasalalay ang bayan ko sa mga BOBO. Does Leni really have what it takes to be president? Dapat nag-eexcel ka kahit sa simpleng tanong," ani Vivian.

Isinama pa niya ang naging paraan ng pagsagot ni VP Leni sa 'one word description' sa 'The Jessica Soho Presidential Interviews' na napanood sa GMA Network noong sabado, Enero 22.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-3.png
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

This image has an empty alt attribute; its file name is image-4.png
Screengrab mula sa FB/Vivian Velez

Isa sa mga celebrity na nag-react dito ay ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, na kilalang tagasuporta ni VP Leni. Tinawag niyang 'fake news' umano si Vivian.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/ogie-diaz-sinabihang-fake-news-si-vivian-velez-may-payo-kay-vp-leni/

Si Vivian ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.