Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa nangyari noong 2004 sa pagitan ng pamilyang Robredo at Contreras sa isang paaralan sa Naga City.
Nag-ugat ito noong sinabi ng mga netizens na "biased" umano si Antonio Contreras laban kay Vice President Leni Robredo nang mauna nitong ianunsyo na hindi sasabak sa DZRH presidential interview ang bise presidente.
Sa Universidad de Sta. Isabel naging magkaklase ang panganay na anak nina dating Naga City Mayor at DILG Secretary Jesse Robredo at Vice President Leni Robredo na si Aika at bunsong anak na babae ni Benjie Contreras, kapatid ni Propesor Antonio Contreras, na si Kei.
Taong 2004 nang sila ay nagtapos ng high school sa naturang paaralan.
Bago ang naturang graduation, nagkaroon ng isyu umano sa pagiging valedictorian ng anak ni Benjie dahil muntik na umano ito 'maagaw' ng iba.
Sa isang Facebook post ni Leticia Blancaflor, guro at adviser nina Aika at Kei, ibinahagi nito ang umano’y totoong nangyari noong 2004 graduation sa USI.
Ang kanyang post, noong Enero 30, ay paglilinaw para kay Antonio Contreras, kapatid ni Benjie Contreras.
“This is the fact: His niece and the eldest daughter of VP Leni were classmates and fortunately i was their class adviser,” panimula ni Blancaflor.
Sinabi ng guro na ang naging valedictorian ay si Kei, anak ni Benjie.
“I knew well the results because the grading sheets were with me (i gathered all data and submit them to the committee on honors). When the results were released, his niece was declared valedictorian, murmurs were heard by myself so i tried to talk to the committee,” aniya.
Nauna nang sinabi ni Antonio sa kanyang Facebook post noong Enero 23, 2022, na muntik na mawala sa kanyang pamangkin ang pagiging valedictorian dahil may gusto umanong kunin ito sa kanya.
“To the person who say that my family should move on about what happened to my niece, when she almost lost her being Valedictorian in 2004, because someone wanted to take that away from her. This is not a petty issue. If you have a child, yung nga lang agawan mo siya ng laruan o candy, it is already traumatic for him or her,” ani Antonio nangmaungkatng mga tao ang tungkol sa isyung ito.
Ang pinaka masakit daw umano ay makuha ang bagay na pinaghirapan ng isang tao ng mga makapangyarihan at may mga koneksyon ng indibidwal.
“What is even more painful than facing the threat that what you have worked hard for is being taken away from you by powerful and well-connected individuals,” aniya na walang binanggit na pangalan.
“My niece worked hard since first grade to achieve that honor. She was first place from Grade 1 until part of Fourth Year HS. So when her grades started falling, while the grade of that other preferred girl was rising, it became a painful, living hell for her, a traumatic experience that no one can easily forget,” ayon pa sa propesor.
Ayon kay Blancaflor, nang magtungo siya sa committee, nakita niya ang resulta na mayroon lamang kaunting pagkakaiba ang pinal na grado nina Aika at Kei.
“I saw the results and there was a slight difference only in their final result between his niece and the daughter of VP Leni,” aniya.
Hindi rin aniya sinubukang gamitin ng mga Robredo ang kanilang impluwensya tungkol sa resulta.
“But i never learned that the couple (VP Leni and Jess) made any remarks and tried to use their influence about the result, NOT AT ALL,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ng guro na ang mga valedictorian at salutatorian ay sinabihan na magsumite ng kanilang talumpati para sa graduation.
Ngunit ayon sa guro, sa araw mismo ng graduation ay hindi umano binasa ni Kei ang kanyang ipinasang talumpati sa halip ay kinuha nito ang isang papel mula sa bulsa at ito ang kanyang binasa na ikinagulat umano ng mga tao— isinulat ni Antonio ang naturang talumpati.
“Sir, with due respect to you, the speech you made was out of context for a valedictory address. Audience were surprised why the content of the speech was not the one shown by your niece to the committee. May I ask you sir, was it right? The venue was not a political rally, but it turned to be one,” ani Blancaflor.
“Sorry sir but I have known VP Leni’s character and person because she had been my student too in her high school year (4th year) just like your two nieces and VP Leni’s two daughters. Being with them for a year, we class advisers can tell the character of our students. I can vouch for VP Leni’s character and person together with her children,” aniya pa.
Samantala, nagsalita na rin si Benjie Contreras tungkol sa naturang isyu sa USI noong 2004. Ibinahagi rin niya ang kanyang pahayag sa Facebook nitong Enero 30, 2022, na taliwas sa kinuwento ni Blancaflor.
Ayon kay Benjie, noong Disyembre 2003 nakausap niya ang isang guro ng kanyang anak na si Kei.
Kuwento umano ng guro, nilalakad at ginagamit umano ng mag-asawang Robredo na maging valedictorian ang kanilang anak sa halip na si Kei. Kaya’t sinabihan siya nito na magbantay sa kaganapan sa USI.
Bilang ama, pinag-aralan nito ang grado ng kanyang anak. Nakita niyang matataas ito maliban sa Math kaya’t tinanong niya ang anak kung alam ba nito ang grado ni Robredo sa Math, saad ng kanyang anak ay mataas ito. Nabanggit ni Benjie na nagkataong close umano ang Math teacher sa mga Robredo para umano matalo ang kanyang anak sa valedictorian.
Noong Enero 2004, nakipag-usap siya sa Math teacher at hiningi niya ang mga test at quiz papers ng kanyang anak ngunit wala itong naibigay sa kanya. Ilang beses pa itong nakipag-usap sa Math teacher at sumulat na rin siya sa principal tungkol sa mga hinihingi niya ngunit pa ring umanong naibigay ang guro.
“So I told her that I would file a complaint at DepEd so that she would be removed as teacher. Nagmakaawa siya sa akin na huwag daw siyang ireklamo dahil she could lose her job. Then she told me, “Sir dai ka na magreport sa DepEd ta AKO NA TABI AN BAHALA KI MARY JOY. SIYA MAN GIRARAY AN VALEDICTORIAN”. (translation: Sir huwag ka ng magreport sa DepEd dahil AKO NA ANG BAHALA KAY MARY JOY. SIYA PA RIN ANG MAGIGING VALEDICTORIAN),” ani Benjie.
Isang linggo bago ang graduation, sinabing valedictorian ang kanyang anak.
“My daughter wanted to write her valedictory speech but I said no. Ang sabi ko ipapasulat natin kay Uncle Tony mo ang iyong speech para ma-criticize at patamaan ang lahat na nag-attempt to rob you your valedictorian. My oldest sister who was at that time principal of Naga Parochial School and best friend of the assistant principal of USI asked me to show her the speech. We tried several times to tone down her speech then submitted it to the Principal of USI,” aniya.
“Sabi noong principal sa anak ko baguhin yong speech at ibalik sa kanya several days before graduation. But we had foreseen what was going to happen so I told her not to go back to the principal and just keep her original speech. Kaya napagdesisyunan ko noong araw ng graduation na ilagay sa bulsa ng palda niya yong original speech at yon ang basahin niya sa halip na yong ginawang speech ng principal,” dagdag pa niya.
Paglalahad ni Benjie, may iniabot na talumpati na nakasulat sa papel ang isa sa mga usherettes sa kanyang anak na babasahin nito sa valedictory speech: “Pero ng tinawag na yong anak ko to deliver her speech, noong nasa stage na siya kinuha nya yong original speech sa bulsa ng palda niya at yon ang binasa sa halip na yong speech na gawa ng principal.”
Nagulat umano ang mga tao dahil sa naturang talumpati ng kanyang anak.
Kuwento pa ni Benjie, noong una ay pinahirapan sila ng principal na kumuha ng grado at Certificate of Good of Moral Character hangga't hindi umano sila nakikipagmeeting sa principal, assistant principal, at university president.
“Sinabi ko lahat ng alam ko sa confrontation pero they denied but I had proofs and name of the teachers involved,” ani Benjie.
“Nang makuha na namin ang report card ng daughter ko, may erasures ang 1st, 2nd at 3rd quarter Math grades niya. Mukhang ibinalik sa dapat niyang grades,” dagdag pa niya.
“BY THE WAY, SI MRS. LETICIA BLANCAFLOR AY KAILANMAN HINDI KASAMA SA MGA CONFRONTATION MEETINGS NAMIN KAYA PAANO SIYA MAGKAPAGSABI NG TUNAY NA NANGYARI IN DEFENSE OF THE ROBREDOS. ITO ANG KATOTOHANAN AT WALANG KASINUNGALINGAN.”
Samantala, walang pahayag si Vice President Leni Robredo tungkol sa naturang isyu sa USI noong 2004.