Marami raw ang nagsasabi kay self-proclaimed 'Sawsawera Queen' na si RR Enriquez na magbigay ng komento sa na-bash na pahayag ni 'It's Showtime' host Kim Chiu hinggil sa pagbubuhos ng kumukulong tubig sa mga pusang maiingay sa gabi.

Sa umiikot na video ni Kim online, mapapanood dito na habang nagho-host ang Kapamilya star sa isang segment ng ABS-CBN noontime variety show na 'It’s Showtime na umere noong Disyembre 6, 2021, sinabi nitong naiinis ito sa mga pusang maiingay sa gabi. Agad rin namang humingi ng dispensa si Kimmy.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/26/kim-chiu-muling-nag-sorry-sa-nasabi-niyang-sabuyan-ng-mainit-na-tubig-ang-mga-pusang-maingay-sa-gabi/

Aniya, "Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions. Parang wala sa panahon ngAyon ang gagawa nang ganoon. Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan."

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sabi ni RR, marami raw ang nag-message sa kaniya dahil kilala nga siya bilang isang furmom o nag-aalaga ng mga pet.

Screengrab mula sa FB/RR Enriquez

Screengrab mula sa FB/RR Enriquez

"Dami nag mimessage sa akin bilang Furmom daw ako."

"I know as a public figure you have to be careful sa mga sasabihin mo!"

"Pero unfair lang din kasi kahit public figure ka, tao ka pa rin kagaya ng mga normal na tao!"

Ipinagtanggol ni RR si Kim sa mga taong pinapalaki lamang ang isyu.

"Masama ba mag-express ng napi-feel niya sa isang sitwasyon, or masama ba mag -oke nang hindi na pinag-isipan? Eh kapag nasa ganiyang show ka kailangan mabilis ka mag-isip, minsan talaga may masasabi ka na hindi mo na napag-isipan kahit hindi mo naman minimean!" aniya, bilang naging bahagi rin siya ng isang noontime show.

Ibinalik ni RR sa madlang pipol ang kaniyang punto.

"Kayo ba ni minsan wala kayo binitawan na joke sa buhay n'yo na offensive? From what I remember yung word na 'yan sasabuyan ng kumukulong tubig is a common word na kapag inis ka, 'yan ang sinasabi mo sa tao, sa hayop at asal hayop CHAR."

"Natatandaan ko noong bata ako, madalas ko marinig 'yang word na 'yan sa mga kapitbahay namin. Kaya akala ko nga it’s a common joke word na lang!! Kainis ang ingay ng aso at pusa, sarap buhusan ng kumukulong tubig! Kainis ang chismosa ni Marites sarap buhusan ng pinakuluan na tubig! Kainis ang landi ni Maria sarap buhusan ng asido CHAROT."

"Yung aso ko nga si @ashonggala kapag buwisit ako dahil makulit minsan, jinu-joke ko na gusto mo 'Ikalderetang aso kita? Or ilechon aso kita? But I know in my heart I will never do that!"

"So alam n'yo 'yun may iba't iba tayo nasasabi na I’m sure we don’t mean it!!!"

"C’mmon guys 2022 na pandemic pa. Huwag na tayo over sensitive. And nag-apologize na yung tao… And 2 months ago pa pala ito."

"Check n'yo rin sarili n'yo if minsan wala ba kayo binitawan na salita na offensive!? Huwag tayo hypocrite. Maaaring hindi mo sinabi yung buhusan ng mainit na tubig pero sure ako may nasabi kang hindi maganda sa kapwa mo at sa mga hayop! Yung mga lamok nga kapag kinagat ka, gigil na gigil ka gusto mo patayin at pinatay mo talaga ng mga kamay mo with matching gigil pa. So huwag tayo magmalinis powz."

May mas dapat daw na pagtuunan ng pansin kaysa sa mga sinabi ni Kimmy.

"Mas pagtuunan natin ng pansin yung mga walang puso na tao na inaapi yung mga aso at pusa. And dami niyan sa social media! Yung mga nag-aabandona at nagmamaltrato ng mga alaga nila."

"So 'yun lang po!!! Makisawsaw tayo with a heart na lang. Ibalance natin yung mga bagay-bagay huwag puro bash. I thank you!"