Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay na ng komento ang kampo ng Kapamilya actor na si Enchong Dee hinggil sa ₱1B cyber libel case na isinampa sa kaniya ni DUMPER party-list representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang The Castillo, Laman, Tan, Pantaleon, and San Jose Law Firm nitong Pebrero 1, sa araw din ng ulat na pagpiyansa at pansamantalang paglaya ni Enchong matapos ang boluntaryong pagsuko umano sa National Bureau of Investigation o NBI noong Enero 31, 2021.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-dee-nakapagpiyansa-at-nakalaya-matapos-kusang-sumuko-sa-nbi/

Ayon sa ulat, ₱48,000 ang halaga ng kaniyang piyansa ni Enchong para sa kaniyang pansamantalang paglaya. Matatandaang noong Enero 28 ay pumutok ang balitang nag-isyu na ang mga awtoridad ng warrant of arrest para sa kaniya, subalit hindi umano siya natagpuan sa kaniyang address sa Cubao, Quezon City.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Narito ang nilalaman ng opisyal na pahayag:

"Contrary to some media reports, Enchong Dee has been attending to his professional and personal commitments in the past couple of days and has not made any attempt to evade arrest."

"More importantly, as a show of respect for the rule of law, he voluntarily submitted himself to the authorities and posted bail."

"Moving forward, Enchong will take all the appropriate and necessary legal steps to defend himself against the pending lawsuit."

Mula sa legal counsel ni Enchong Dee

Matapos ang balitang nakapagpiyansa at pansamantalang nakalaya, masayang nakapag-IG stories ang Kapamilya actor na si Enchong Dee ngayong araw, Pebrero 1.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/01/enchong-masayang-bumati-sa-chinese-new-year-nag-promote-ng-show/

Sa latest IG stories ni Enchong, makikitang back to work na siya matapos ibahagi ang screenshots nila ng mga Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 hosts na sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, at Bianca Gonzales. Ang pangalawang screenshot ay mula naman kay Bianca.

Mamayang 8PM naman ay host sila ni Kim Chiu para sa 'The Big Online 10Dahan' o ang 10 days of online selling concert na proyekto ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at ABS-CBN Foundation para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.