Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon nitong Martes, Pebrero 1 na maaari siyang magsampa ng impeachment complaint laban sa kapwa Komisyoner na si Aimee Ferolino.

Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni Guanzon na ito ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagkaantala ng desisyon sa consolidated disqualification cases na inihain laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binigyang-diin niya na si Ferolino ay dapat na "matakot" sa kanya.

“Do not threaten me with libel suits because I was a professor of law and practicing lawyer for about 25 years. You can sue me anywhere in the country. I have money to go around the country and campaign against your candidate,” ani Guanzon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit ni Guanzon na naglabas siya ng kanyang separate opinion sa kaso dahil "malakas ang paniniwala" niya na si Ferolino ay "kumikilos sa pakikipagsabwatan" sa ilang mga tao upang maantala ang kanyang boto at kalauna’y hindi ito mabilang.

Sinabi niya na pinangahasan niya si Commissioner Ferolino na ilabas ang resolusyon kung hindi siya naiimpluwensyahan ng isang tao.

“If you say na di ka sinuhulan, ilabas mo ang resolusyon. Andami mo pang satsat wala ka namang sinulat,” dagdag ni Guanzon.

“You know Commissioner Ferolino, lacking in experience in the practice of law, was nominated and strongly supported by a senator, or at least one senator. That’s already on record that she will not act like this if it’s not that Senator who will order her because they’re very close since they were both in Davao,” pagbubunyag niya.

Sinabi ni Guanzon na ang isa pang kapwa Komisyoner sa Comelec First Division na si Marlon Casquejo ay tutungo sa Second Division sa Pebrero 3 bilang presiding commissioner. Naniniwala siya ngayon na ang layunin ay patumbahin ang kanilang mga boto.

Binanggit niya na si Ferolino, at sinumang kasabwat niya, ay hindi rin sigurado kung iboboto ni Casquejo na huwag idiskwalipika si Marcos Jr. sa pagtakbo para sa pampublikong opisina kaya naman sinisikap nilang hindi mabilang ang kanilang mga boto.

Dhel Nazario