"Hindi na pumila?"

Ibinahagi ni Kapamilya teen star Francine Diaz ang natanggap na direct message (DM) sa Instagram mula kay Yoon Chanyoung, bumida bilang si Cheong-san sa Netflix hit South Korean zombie series na “All Of Us Are Dead.”

“Ikamamatay ko to!” mababasa sa Instagram story ni Francine nitong Martes, Pebrero 1.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Screengrab mula sa Instagram story ni Francine

Sa kanyang story, makikita ang wave emoticon na natanggap ng Kapamilya actress na kanya namang tinugunan ng heart reaction.

Makikita pa sa hiwalay na story ang lawaran ni Chanyoung sa Insta story ni Francine. Ang South Korean actor ay gumanap bilang Cheong-san, pangunahing karakter sa All Of Us Are Dead.

Screengrab mula sa Instagram story ni Francine

Ang series ay tungkol sa isang grupo ng mga estudyante sa Hyosan High School na naging epicenter ng virus kung saan nagiging agresibo at nagututom sa laman ng tao ang sinumang dadapuan nito sa pamamagitan ng kagat o pagpahid ng dugo ng infected sa isang sugat ng tao.

Mula nang ilabas ng Netflix noong Enero 28, tumabo na sa streaming platform ang panibagong South Korean zombie apocalypse series. Sa pag-uulat, nananatili itong most-watched content sa Netflix sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kaugnay na istorya: ‘Nabanas ka rin ba?’ Iba’t ibang reaksyon ng viewers ng ‘All of Us Are Dead’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid