Nakapagpiyansa at nakalaya na umano ang Kapamilya actor na si Enchong Dee matapos ang boluntaryong pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City nitong Lunes ng hapon, Enero 31, kaugnay ng kaniyang 1B cyber libel case na isinampa sa kaniya ng DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021, dahil umano sa kaniyang malisyoso at mapanirang tweet.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/31/enchong-dee-kusang-sumuko-sa-awtoridad/">https://balita.net.ph/2022/01/31/enchong-dee-kusang-sumuko-sa-awtoridada>

Ayon sa ulat, ₱48,000 ang halaga ng kaniyang piyansa para sa kaniyang pansamantalang paglaya. Matatandaang noong Enero 28 ay pumutok ang balitang nag-isyu na ang mga awtoridad ng warrant of arrest para sa kaniya, subalit hindi umano siya natagpuan sa kaniyang address sa Cubao, Quezon City. Saad pa ng mga kapitbahay ng aktor, matagal na raw na hindi nagagawi sa naturang 'boarding house' si Enchong.

Matatandaang sinabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na mas makabubuting kusang sumuko na lamang si Enchong at huwag magtatago dahil mas mapadadali raw nito ang lahat.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

BASAHIN: Cristy Fermin sa umano’y warrant of arrest vs Enchong Dee: ‘Magpiyansa ka’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kahit ang mga netizen ay pinaghahanap na rin ang aktor sa kaniyang social media at pinayuhang magpakita, sumuko, at magpiyansa na lamang.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/enchong-nagtatago-nga-ba-huling-mga-post-niya-sa-social-media-alamin/">https://balita.net.ph/2022/01/30/enchong-nagtatago-nga-ba-huling-mga-post-niya-sa-social-media-alamin/

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Enchong hinggil sa isyu.