Inaasahan ni Pangulong Duterte ang “good fortune" at "renewed strength" para sa mga matatag na Pilipino ngayong 2022, taon ng “Water Tiger”.

Ito ang sinabi ni Duterte sa kanyang mensahe sa bansa sa okasyon ng Chinese New Year nitog Martes, Pebrero 1.

“This year of the Water Tiger is hoped to bring us good fortune and renewed strength as we recover from the COVID-19 (coronavirus disease) pandemic and other challenges that have tested our mettle as a nation,” aniya.

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong unang naramdaman ng mga Pilipino ang epekto ng COVID-19 na binago ang pamumuhay ng lahat. lang sakuna rin ang tumama sa mga isla, ang pinakahuli ay ang paghagupit ng bagyong "Odette" sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao noong Disyembre.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Through our courage, faith and determination, we have become more resilient and capable to build back better,” pagbabanggit ng Pangulo.

Idinagdag niya na ito ang kanyang "taimtim na panalangin" na ang 2022 ay maging "mas mabuting taon para sa ating lahat pagdating sa kayamanan, kalusugan, relasyon at pag-unlad..

Sa pagtukoy sa Chinese New Year, sinabi niya, “Habang inaasahan natin ang mga pagpapala ng mapalad na okasyong ito, patuloy nating ipakita ang mga mithiin ng bayanihan at malasakit, lalo na sa mga taong lubos na nangangailangan."

“Let us all look forward to more opportunities for growth and prosperity in the New Year and become instruments of peace, harmony and generosity to all,” ani Duterte sa kanyang huling mensahe bilang Pangulo para sa Chinese New Year.

Si Duterte ay bababa sa Malacañang sa Hunyo 30, 2022. Ang darating na halalan sa Mayo 9 ay magtatakda kung sino ang papalit sa kanyang puwesto.

Ellson Quismorio