Nag-ulat ang Department of Health (DOH) ng dagdag 9,493 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Martes, Peb. 1.

Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ang bansa ng mga kaso ng COVID-19 na mas mababa sa 10,000. Ang huling pagkakataon ay noong Ene. 4 kung saan nagsisimula pa lamang na dumami ang mga kaso.

Sa panahong ito, nakapagtala ang bansa ng kabuuang 5,434 karagdagang kaso ng COVID-19. Nang sumunod na araw, nakapagtala ang bansa ng 10,775 bagong kaso.

Gayunpaman, sinabi ng DOH na ang lahat ng laboratoryo ay operational noong Enero 30, 2022 ngunit 10 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Based on data in the last 14 days, the 10 labs contribute, on average, 5.5% of samples tested and 4.4% of positive individuals,” dagdag nito.

Ang tally nitong Martes ay nakapagdala ng kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,569,665. Dito, 4.9 percent o 176,053 ang active cases.

Sa mga aktibong kaso, 164,995 ay mild; 6,133 ay asymptomatic; 3,070 ay moderate; 1,529 ang malala; at 326 ang nasa kritikal na kondisyon.

Nag-ulat din ang DOH ng 24,210 bagong recoveries na nagdala ng kabuuang 3,339,558 o 93.6 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso.

Sa kabilang banda, 51 pa ang namatay mula sa COVID-19 na nagdala ng bilang ng nasawi sa 54,054 o 1.51 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kaso.

Samantala, nagtala ang bansa ng mababang positivity rate na 28.8 porsyento.

Dhel Nazario