Pinuri nina opposition Senators Leila de Lima at Risa Hontiveros ang Senado nitong Martes sa pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang batas na naglalayong mapabilis ang panukalang batas sa kompensasyon para sa mga nasirang mga tahanan at ari-arian sa loob ng limang buwang pagkubkob sa Marawi City.

Inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. 2420 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2021 noong Lunes, Enero 31, 2022, isang hakbang na nakikitang makakatulong sa mga residente ng Marawi City na muling buuin ang kanilang buhay.

“The passage of the Marawi Compensation Bill in the Senate is a step toward healing. Ang pagpasa nito ay hindi lang pagbibigay ng suporta sa ating mga kapatid na Maranao, kundi pagbibigay din ng pag-asa,” sabi ni Risa Hontiveros sa isang pahayag.

“May this measure also be a national acknowledgment of the Maranao concept of maratabat: a value about honor, dignity, sense of pride,” aniya pa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Hontiveros na nagpapasalamat siya sa pagiging co-author ng panukalang batas at nagpasalamat kay Sen. Sonny Angara sa pakikipaglaban para sa karapatan at kapakanan ng mga Maranao.

Si De Lima, isa pang kasamang may-akda ng panukalang batas, ay nagsabi na ang pagsasabatas ng panukala ay magagarantiyahan na ang Marawi na napinsala ng digmaan ay mabubuhay muli.

“The road has been long but here we are finally helping the residents of Marawi pick up the pieces with Senate Bill No. 2420…by ensuring that the victims are provided with compensation for their loss or destruction of their properties,” sabi ni De Lima.

Kinikilala rin ng panukalang batas ang mga pangangailangan ng mga internally-displaced persons (IDPs) na pinalayas ng labanan na nag-iwan sa kanila bilang ulila at walang tirahan.

“We will continue to rehabilitate Marawi and breathe life back into it through meaningful programs and legislative measures,” sabi ng bilanggong senador.

“When the last dust has settled, we will ensure that not only do we serve justice, but that memories of the lost are valued by giving those they left behind a tomorrow to hope for,” dagdag niya.

Parehong hinahangad nina Hontiveros at De Lima na muling mahalal sa darating na May 2022 senatorial elections.

Hannah Torregoza