Kamakailan lamang ay nagulat ang madlang pipol nang maungkat ang 'past' nina Rock Popstar Royalty Yeng Constantino at It's Showtime host Ryan Bang sa isang episode ng 'Tawag ng Tanghalan' kung saan nanligaw pala itong si Ryan kay Yeng, 12 taon na ang nakararaan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-bang-busted-kay-yeng-constantino/">https://balita.net.ph/2022/01/29/ryan-bang-busted-kay-yeng-constantino/

Hindi pa man uso ang salitang 'ghosting' noon, mukhang ganito na nga ang nagyari kay Yeng, dahil bigla na lamang daw huminto sa pagpapadala ng kape ang Koreanong si Ryan na unang nakilala sa reality show na 'Pinoy Big Brother (PBB): Teen Clash of 2010,' kasabayan ang hearthtrob na si James Reid.

Sey naman ni Ryan, inakala niyang hindi siya bet ni Yeng dahil madalas daw itong tumanggi kapag inaaya niyang lumabas sa gabi; inakala pa nga niya na ang betsung nito ay ang singer na si Richard Poon dahil lagi itong sumasama rito sa Tagaytay; ngunit para pala sa prayer meeting.

Tsika at Intriga

Julie Anne San Jose, humingi ng tawad sa ‘concert issue’ sa loob ng simbahan

Inamin naman ni Yeng na kinikilig-kilig siya kay Ryan noong mga panahong iyon, kaya ganoon na lamang ang pagkalungkot niya nang tumigil na lamang sa panliligaw sa kaniya ang Koreano.

Pag-amin pa ni Yeng, si Ryan daw ang naging inspirasyon niya sa sinulat niyang kanta na 'B.A.B.A.Y'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/yeng-nagsalita-na-kung-sino-ba-talaga-ang-inspirasyon-sa-kantang-b-a-b-a-y/">https://balita.net.ph/2022/01/29/yeng-nagsalita-na-kung-sino-ba-talaga-ang-inspirasyon-sa-kantang-b-a-b-a-y/

Agad na naging trending sa online world ang naunsyaming kuwento ng pag-iibigan nina Ryan at Yeng; ngunit sabi nga, baka naman hindi talaga sila ang nakatadhana para sa isa't isa.

Sa ngayon ay happily married si Yeng sa kaniyang una at huling boyfriend na si Victor 'Yan' Asuncion. Nagkakilala sila noong 2013 dahil pareho silang miyembro ng Victory Christian Fellowship Church. Si Yan ay worship musician at worship director sa naturang simbahan.

Matapos ang siyam na buwan na dating, hiningi na ni Yan ang kamay ni Yeng at sila ay na-engage. Ikinasal naman sila noong 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite.

WATCH: Yeng Constantino and Yan Asuncion's wedding video
Yan Asuncion at Yeng Constantino (Larawan mula sa IG)

Ngunit paano nga ba sila nagkakilala?

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa mag-asawa noong Nobyembre 1, 202o para sa episode 25 ng 'I Feel U', natanong ng TV host kung paano nga ba sila nagsimula.

Ayon kay Yan, magkasama sila sa church at pareho silang kumakanta para dito. Una raw niyang nakita si Yeng sa bahay ng mentor nito. Nang ipakilala raw sa kaniya si Yeng na noon ay celebrity na matapos manalo sa 'Pinoy Dream Academy', ay nakaramdam kaagad siya ng paghanga rito.

Noong una raw ay kinikimkim niya lamang ang paghanga kay Yeng ngunit habang tumatagal ay tumitindi raw ang nararamdaman niya para sa singer. Naisip niya, kung wala siyang gagawin at magiging torpe lamang, baka magising na lamang siya isang araw na may nanliligaw nang iba kay Yeng.

Pag-amin naman ni Yeng, noong una nilang pagkikita ay hindi raw niya natandaan si Yan. Kaya nang muli itong magpakilala sa kaniya the second time around, nagulat si Yeng na nagkadaupang-palad na pala sila sa bahay ng kaniyang mentor. Isa umano sa nakapagsimula ng kanilang kumbersasyon ay ang pagkahilig nilang dalawa sa pusa.

Yan Asuncion at Yeng Constantino (Larawan mula sa IG)

Nagsimula na raw mapansin ni Yeng si Yan nang mag-volunteer na itong maging guitarist sa kanilang simbahan. Noong mga panahong iyon ay aktibo na rin si Yeng sa pagiging back-up singer, kahit na abala siya sa 'ASAP'.

"I felt na pareho kami ng passion, pinakanagustuhan ko talaga sa kaniya yung to serve God," ani Yeng.

At doon na nga nagsimula ang kaniyang relasyon.

Natanong naman ni Toni kung ano ba ang turning point ni Yan para masabing si Yeng na nga ang 'The One' para sa kaniya.

"If I don't do something, parang… I'm gonna lose this person. Nagku-culminate na siya into something na alam ko… ito na… ito na…"

Kaya kaagad daw na nag-propose si Yan kay Yeng. Alam na raw niya sa sarili niya na si Yeng ang babaeng pakakasalan niya.

At kung may natutuhan man sina Yan at Yeng sa kanilang relasyon, ito ang pagiging 'present' sa buhay ng isa't isa at i-enjoy lamang ang buhay na magkasama bilang mag-asawa.

Bagama't ang unang awiting pinasikat ni Yeng ay ang award-winning song na 'Hawak Kamay', aminado si Yeng na ang mister na si Yan ang naging inspirasyon niya sa awiting 'Ikaw' na madalas na ginagamit na wedding song sa kasalukuyan.

Hindi rin maiiwasang mabalot ng dagok ang pagsasama ng dalawa. Noong 2019, muntik nang ikamatay ni Yan ang cliff diving accident nang magbakasyon sila sa Siargao.

Dahil dito, gumawa ng vlog si Yeng at ibinulalas niya ang matinding pagkadismaya sa mga doktor na naka-engkuwentro nila sa Siargao. Nagkaroon pa si Yan ng temporary memory loss subalit naagapan naman ito. Muntik na ring mabilanggo si Yeng dahil sa 'doctor shaming' na ginawa niya, subalit naayos na naman ito. Humingi na rin siya sa attending doctor na ipinahiya niya umano sa naturang vlog.

Bagama't wala pang mga supling ay getting stronger pa rin ang relasyon nina Yan at Yeng. Napapanood si Yeng bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime at ASAP Natin 'To.