Bumilib si Vice President Leni Robredo nitong Lunes, Enero 31, sa Philippine women’s football team matapos ang makasaysayang pagkakapasok sa FIFA Women’s World Cup (WWC).
Panalo ang Malditas sa penalty shoot-out laban sa Chinese Taipei sa quarterfinals ng AFC Asian Women’s Cup sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakapasok ang koponan ng Pilipinas sa FIFA World Cup tournament.
“In behalf of the Office of the Vice President, in behalf of our family, congratulations. We are so looking forward to watching you habang kayo ay naglalaro sa World Cup. Talagang andiyan kami, magchi-cheer sa inyo. Kayang kaya natin ito. Abante babae. Laban Filipinas,” anang bise presidente sa isang video message.
Ipinagmalaki rin si Robredo ang pagkakapanalo ng koponan at nagpasalamat din ito sa karangalan ibinigay ng mga ito sa bansa.
Raymund Antonio