Ipinagtanggol ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Senador Panfilo Lacson sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na kulang sa on-the-ground work ang kapwa presidential aspirant.
Sa isang Facebook post ng gobernador, na may titulong "Kakamping," sinabi niyang bilangkamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat niyang ipagtanggol si Lacson
"Hindi ko na sana balak makipag-balitaktakan pa pagdating sa #Halalan2022. Ngunit bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat lamang na tumayo ako at ipagtanggol si Senador Ping Lacson," ani Remulla nitong Lunes, Enero 31, 2022.
Ayon kay Remulla, Si Lacson ang kandidato na mayroong pinakamalawak na karanasan pagdating sa public service.
Binilang din ng gobernador ang mga naging posisyon ni Lacson simula noong makapagtapos ito sa Philippine Military Academy noong 1971.
"Nagtapos sa Philippine Military Academy (1967-1971). Nanungkulan sa Metrocom (1971 to 1986 86), PC-INP Anti-Carnapping Task Force (1986 to 1988), Isabela Provincial Commander (1988 to 1989), Cebu Commander (1989 to 1992), Laguna PC Provincial Director (1992), Task Force Habagat Chief (1992 to 1995), Presidential Anti-Organized Crime Task Force Chief (1998 to 2001), Philippine National Police Chief (1999 to 2001), Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (2013 to 2015) and Senator (2001 to 2003 and 2016 to present)," paglalahad ni Remulla.
Giit ni Remulla, walang katarungang ilarawan na 'maraming salita at kulang sa gawa' ang tao na 50 taon sa public service.
“To describe him as ‘all talk and no action’ is an injustice to the man who embodies ‘leadership by example’ with 50 years of public service from law enforcement, legislation and humanitarian work,” anang gobernador.
“Sana maalala ni VP Leni ang aking payo sa kanya: That no matter what happens, please do not give in to the hate,” pagpapatuloy pa ni Remulla.
Nagbigay rin ito ng mistulang payo sa mga tagasuporta ni Robredo.
“The same goes to her supporters. The best way to champion your candidate or political stand is not through hate. You can never convince other people to join your cause if all you do is look down, insult, ridicule, and alienate those who do not share the same views as you.”
Matatandaang noong Nobyembre, malugod niyang tinanggap sina Vice President Leni Robredo at ang ka-tandem nitong si Senador Kiko Pangilinan sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martires nang bumisita ang tandem sa iba't ibang local government units at dumalo sa paglulunsad ng Leni Lugaw trucks sa Kawit.
Sinabi ni Remulla,“Although we disagree on certain issues, we both agree that the people deserve a leader the Filipinos can be proud of."
Gayunman, pinayuhan niya noon si Robredo na: "No matter what happens, please do not give in to the hate."
Basahin:https://balita.net.ph/2021/11/26/jonvic-remulla-may-hiniling-kay-robredo-nang-bumisita-ito-sa-cavite/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/11/26/jonvic-remulla-may-hiniling-kay-robredo-nang-bumisita-ito-sa-cavite/
Samantala nitong Enero, sinabi ni Remulla na mananalo sa Cavite si Presidential aspirant at dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at naniniwala siyang "destiny" ni Marcos Jr. na maging presidente sa 2022.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/
Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/01/19/remulla-nanindigan-na-destiny-ni-bbm-maging-pangulo-i-am-owning-up-to-my-words/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/01/19/remulla-nanindigan-na-destiny-ni-bbm-maging-pangulo-i-am-owning-up-to-my-words/