Inamin ng hunk actor na si Paolo Gumabao na nakaranas siya ng pang-aabuso noong bata pa lamang siya at nakatira pa sila sa bansang Taiwan.

Aniya sa isang panayam, biktima siya ng pambu-bully hindi lamang sa kaniyang mga naging kaklase kundi maging sa mga naging guro. Nabulatlat ang nakaraan niya dahil sa pelikula niyang 'Silip sa Apoy' kasama sina Sid Lucero at Angeli Khang, na idinirehe ni Mac Alejandre, at mapapanood sa Vivamax.

Bukod sa mga maseselan at maiinit na eksena, natalakay rin dito ang tungkol sa pang-aabuso at domestic violence.

"Ang pinaka-naaalala ko na abuse sa buhay ko is noong time na nasa Taiwan ako, doon pa ako nag-aaral, when I was in elementary," ani Paolo na game na game talaga sa hubaran.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"I was studying in a traditional Chinese school. I was the only foreigner there, I was the only one who look different and I was the only Filipino."

“Sa Taiwan kasi, medyo they look down on us, Filipinos, lalo na iba yung hitsura ko sa kanila. The students would physically abuse me, like it gets physical a lot of times, actually."

“What’s crazy about it is pati yung teachers… the teachers would verbally abuse me."

"Halimbawa, when I was in third grade, I remember, my Science teacher, pinaharap niya ako sa lahat ng mga kaklase ko in the classroom. Aminado ako, medyo makulit ako noong bata ako. Pero in third grade, pinaharap niya ako sa mga kaklase ko. And in Chinese, ‘Don’t be friends with this kid because when he grows up, he will be trash.’"

“I walked out then went straight to the bathroom after that. Yun lang naman."

“Pero pagdating ko sa Pilipinas, luckily, okay na lahat. My family is very loving, never kami nagkaroon ng ganoong tipo ng problem sa family namin, which I am very fortunate for that,” saad pa ni Paolo.

Si Paolo Gumabao ay nagwagi bilang best actor para sa pelikulang 'Lockdown' para sa pelikulang FACINE 28 (28th Filipino International Cine Festival 2021) na ginanap sa California, USA. Ka-tie niya rito ang komedyanteng si Jerald Napoles para sa pelikulang "Ikaw At Ako At Ang Ending.'

Paolo Gumabao (Larawan mula sa IG)

Ang Lockdown din ang Best Film Gold, ka-tie ng 'Midnight In A Perfect World.' Si Direk Joel Lamangan naman ang nagwaging Best Director.

Kapatid siya sa ama ng isa pang hunk actor na palaban din sa hubaran na si Marco Gumabao.

Samantala, number one ngayon sa Vivamax ang 'Silip sa Apoy' na mapapanood na sa Vivamax.