Kinarir ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang pagiging action star dahil sa pagsabak niya sa action scenes sa weekly fantasy-action drama ng GMA Network na 'Agimat ng Agila: Season 2' kung saan katambal niya si Senador Ramon 'Bong' Revilla, Jr., na umere na noong Enero 29, 2022.

"'SKL (Share Ko Lang)' ni Rabiya, hindi kagaya ng mga ginagawa niyang training sa beauty pageants, naiibang training umano ang sinabak niya rito dahil nga puro action stunts ang kailangan niyang gawin. Hindi basta-basta ang papel niya rito dahil gaganap niyang interpol agent kaya kailangan niya talagang mag-combat training.

Bagay na puring-puri naman ng leading man niyang actor-politician dahil nakipagsabayan talaga siya sa galing ng mga kasama niya sa programa. Aniya, sa palagay niya ay may chemistry naman silang dalawa ni Rabiya.

"She’s a very good actress and may chemistry rin kami. Nakikita ko na malayo rin ang mararating niya. Malay mo maging action queen ’yan."

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

"Ang galing sa stunts, matapang, at magaling umarte. ’Di pa nakapag-workshop nang ganoon katagal ’yan pero ang galing na niya umarte. She’s very smart,” pagbibida pa ni Bong Revilla.

Going back to Rabiya, sumabak pala siya sa boxing classes para matutong manuntok at makipagsapakan sa bakbakan, bago pa man siya sumalang sa taping.

"I’m very happy, I enrolled myself in boxing classes. Aside from that, kahit private session with our action director Sir Erwin Tagle, we do that para ma-condition talaga ‘yung mind ko, ‘yung body ko na."

"Sobrang layo niya sa pagiging isang beauty queen, but I’m loving the challenge and the transition. I’m forever grateful sa opportunity,” sey pa ng beauty queen sa giannap na online presscon para sa naturang proyekto ng Kapuso Network.

Hindi rin biro ang kaniyang mga pinagdaanan. Kung sa beauty pageants ay ingat na ingat siyang magalusan, dito ay kabaligtaran. Nagkapasa at nagkasugat umano siya.

“Nagkakasakitan talaga, nagkakapasaan din. I guess it’s part of it. I have to be professional about it and magandang training ground siya."

Nakikita ba niya ang sarili bilang isang babaeng action star?

"Sana in the future, marami pa akong mga action scenes, action series na magawa kasi nakikita ko ang sarili ko rito. If there’s pain, there’s power,” aniya.

Kabilang rin sa naturang Kapuso series sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, Benjie Paras, Gardo Verzosa, Betong Sumaya, Kim de Leon, Lia Salvador, Sandro Muhlach at Shermaine Santiago, sa direksyon ni Rico Gutierrez.