Nanawagan si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda Acosta kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na huwag nang ipatupad ang 'no vaccination, no work' policy ng ahensya dahil pinipigilan nitong magtrabaho ang mga guro.

“Nananawagan po ako sa inyo. Sana po, iyang ‘no vax, no work’ policy na 'yan huwag ninyo pong gawin dahil contrary to the law, contrary to the Constitution, contrary to Republic No. Act 11525," paliwanag ni Acosta sa isang video message na nai-post nito sa kanyang social media accounts.

Umaapela rin ito sa mga kongresista na huwag nang isulong ang“no vax, no work” policy.

“Ngayon kung nangangahas po ang ilang mambabatas na gawing mandatory 'yan, mag-isip-isip po kayo,” banta ni Acosta.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Nilinaw nito, marami siyang natatanggap na ulat mula sa mga guro na hindi nakakapagtrabaho dahil hindi pa sila bakunado.

“Ang dami pong text hindi sila makapagturo, hindi sila makapunta sa school kung hindi sila bakunado.Umiiyak na po ang ibang guro sa iba’t ibang lugar, Secretary Briones." pahayag nito.

“Kandiliin mo po ang mga titser na may dahilan kung bakitawaymagpabakuna," sabi ni Acosta.

Tiniyak naman nito sa mga guro na bibigyan sila ng legal assistance ng PAO.

“Mga teachers, nandito po lamang kami. Bukas po ang aming tanggapan. Punta po kayo sa PAO," dagdag pa nito.

Jeffrey Damicog