Namataan ang isang lalaki na hindi nakasuot ng face mask dahilan upang siya ay sitahin. Dahil dito, nakumpiskahan siya ng baril at pinaghihinalaang ilegal na droga nitong Linggo, Enero 31, sa isang Comelec Checkpoint sa Las Piñas City.

Ang suspek ay kinilalang si Jumar Bohol, 30, at residente sa Guyabano Dulo, Barangay Talon Singko, Las Piñas City. 

Sa ulat na isinumite ni City Police Chief Col. Jaime Santos kay Southern Police District (SPD) Director Brig General Jimili Macaraeg ,inaresto ang suspek sa isang COMELEC Checkpoint operation sa Quarantine Control Point sa Marcos Alvarez Ave,. Brgy. Talon Singko sa Las Piñas City, nitong madaling araw ng Linggo.

Nakuha kay Bohol ang isang caliber 38 revolver na may dalawang bala at 1.9 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱12,920.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Sasampahan ang suspek ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 in relation to Omnibus Election Code at City Ordinance 1689-20 (No face mask).

Si Bohol ay nakakulong sa Custodial Facility ng Las Piñas City Police.

“The nationwide implementation of the COMELEC gun ban will last until June 8, 2022. Again, let me remind the public to adhere to what is stated in the resolution because violation of the said prohibitions is subjected to an offense,” ani Macaraeg.

Bella Gamotea