Sinibak muna sa puwesto ang 38 na police commanders sa Metro Manila bago sila inilipat ng puwesto upang maiwasang masangkot ang mga ito sa politika.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos at sinabing kabilang sa sinibak sa posisyon ang mga provincial directors, city directors, at chiefs of police.

“That’s what we did even before the start of the election period to make our organization apolitical, to do away with perception of bias or familiarity,” pagdidiin ni Carlos.

Paliwanag ng heneral, kabilang sa naapektuhan ng nabanggit na hakbang ang mga overstaying na sa kanilang puwesto habang ang iba ay pinili ng mga incumbent mayors o ng gobernador na kumakandidato sa national elections sa Mayo 9.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

“Our police personnel should be apolitical. They will be there to level the playing field and make sure they are not bias to one candidate or another,” paliwanag nito.

Napagdesisyunan aniya ng liderato ng PNP ang naturang hakbang batay na rin sa assessment na isinagawa sa pamamagitan ng rotation policy ng kanilang hanay.

Aaron Recuenco