Sinabi ni Presidential aspirant at Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi niya “ibibigay” si Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) kung siya ay mahalal na Presidente, ngunit sa halip ay hahayaan niya ang mga lokal na korte na magdesisyon sa kapalaran ng kanyang predecessor.

“Hand him over? No. As a president, [if] elected, my job is to protect you from any abuse, harm, and your rights are binibigay sayo,” sabi ni Domagoso sa panayam sa midya sa naganap na “Bilis Kilos” economic agenda nitong Lunes, Enero 31.

“If ang reklamo sayo ay bilang isang suspected criminal then you will have a day in our court… you will be given equal opportunity,” dagdag niya.

Sinabi ni Domagoso na naniniwala siya na hindi maaaring usigin ng ICC ang sinuman sa isang bansang may umiiral na sistema ng

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“As far as I believe, I’m no lawyer. ICC cannot prosecute somebody, in our country, Philippines, with an existing justice system,” habang idinagdag niya na maaari lang silang makialam sa mga naiipit na bansa sa ilang suliranin o sa mga bansa na walang sistema ng hustisya.

“Entry, you’re welcome. You want to investigate? Go ahead… Can they prosecute? I’m no lawyer, but as far as I understand ICC to function is merong pang aabuso sa karapatang pantao ng isang bansa sa kanyang mamamayan na walang nagaganap na hustisya o hindi tumatakbo hung justice system nila,” ani Domagoso.

Binigyang-diin din ni Domagoso na ang bansa ay may sariling mga korte na maaaring magdesisyon sa anumang kaso na maaaring isampa laban kay Duterte.

“In the case of Philippines, we have the right department, bahagi ng pamahalaan, tumatakbo, epektibo, and any John Does and Mary, every Pedro and Petra, can avail of their constitutional rights in our justice system,” paninindigan nito.

Gayunpaman, tiniyak ni Domagoso na higit na handa siyang simulan ang anumang pagsisiyasat sa umano'y pag-abuso sa drug war sa bansa kung ito ay makapagbibigay ng katiyakan sa kapayapaan ng isip ng bawat Pilipino.

Aniya, “We can initiate an investigation on that para mapanatag ang loob ng tao. Under my watch everybody will be given an opportunity in court.”

“If we have existing laws then we should go after those who abused in the past, and that includes the 70’s, the 60s, the 80s, 90s. Whoever they are.”

Jaleen Ramos