Handa si Commissioner Rowena Guanzon na itaya maging ang kanyang retirement benefits kapalit ng resignation ng kapwa commissioner na si Comm. Aimee Ferolino at ng ilang pang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) habang iginiit niyang hindi siya “patay gutom” at kailanman ay hindi “magdidildil ng asin” kahit magbitiw sa puwesto bago ang kanyang nakatakdang retirement date sa Pebrero 3.

“Now here in the Manila Cathedal. Let us all resign together. I will forfeit all my benefits. Sino ang tinatkot niyo? Ako? Anak ako ni Elvira Guanzon at Judge Sixto Guanzon, war hero. Marunong kaming magtiis para sa bayan namin,” maanghang na pahayag ni Guanzon nitong Lunes, Enero 31.

Matatandaang nanawagan para sa disbarment at forfeiture ng retirement benefits at lifetime pension ni Guanzon ang general counsel ng political party ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), para sa diumano’y napaaga at iligal na pagsisiwalat ng kanyang hindi paborableng boto laban kay Marcos Jr. sa kanyang disqualification petition.

Basahin: Abogado ng partido ni BBM, nais paimbestigahan, ma-disbar si Guanzon kasunod ng DQ vote – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Nitong Lunes, Enero 31, inilabas na ni Guanzon ang kanyang separated opinion pabor sa disqualification ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa hanay ng mga tatakbong Pangulo sa Mayo 2022.

“Mag-resign tayong lahat dito ng sabay-sabay para magdildil kayo ng asin. Kayo lang, ako hinding-hindi ako magdidildil ng asin sigurado,” dagdag ni Guanzon.

Ito ang hamon ni Guanzon sa ilang opisyal ng Comelec matapos ang kanyang alegasyon na sinasadyang ma-delay ng First Division ang resolusyon sa consolidated case.

Basahin: Guanzon, hinamon si Ferolino na mag-resign – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Ibig-sabihin, sirang-sira na ang institusyon ng Comelec at nahihiya na kami. Hindi pa ba tayo nahihiya nito? Nakakahiya na ito. Mag-resign na tayo pero sabay-sabay,” muling pagpupunto ni Guanzon.

“Kaliwaan tayo dito sa harap ng Cathedral kung saan ang Diyos nakatingin sa atin. Resign na tayo. Resign na tayo bago ako mag-retire, ano akala niyo sa akin patay gutom?” muling tirada ng commissioner.

“Tatakutin niyo ko ng retirement benefits ko? Ano ako patay-gutom? Bago ako dumating sa Comelec, naging Commissioner na ako ng COA. Nagpraktis na ako ng batas at anak ako ng haciendero. Kayo saan kayo galing?” pagpapatuloy ni Guanzon.

Gayunpaman, hindi niya raw “minamata” ang kapwa opisyal ngunit “suklam na suklam” at “punong-puno” na siya sa sitwasyong kinahaharap.

“Gabi-gabi nagdadasal na ako, umiiyak ako sa Diyos. Bakita ganito ang bayan ko? Kailangan panindigan ko to. Sige forfeit yung benefits ko, sabay tayong lahat dito mag-resign, bago ako mag-retire, sabay tayo magresign,” dagdah ni Guanzon.