Nagsabi ang Government Service Insurance (GSIS) nitong Lunes, Enero 31 na maglalabas ito ng kabuuang P100 milyon para sa hanggang 10,000 kamag-anak ng mga miyembro upang maibsan ang gastusin sa kolehiyo para sa taong akademiko 2021-2022.

Sinabi ng GSIS na ang bawat estudyante ay makakatanggap ng P10,000 mula sa GSIS.

“The P10,000 educational subsidy will bring a great relief for our members with children or legal dependents who are in college, especially now that we are in the middle of a pandemic,” ani GSIS President and General Manager Rolando Ledesma.

“From 15,770 qualified applicants, we selected 10,000 grantees most in need of receiving educational assistance,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa halos 17,300 na natanggap na aplikasyon sa buong bansa, ang mga grantees para sa AY 2021-2022 ay pinili mula sa iba't ibang rehiyon sa buong bansa: 1,581 mula sa National Capital Region; 1,994 mula sa North Luzon; 2,093 mula sa South Luzon; 2,078 mula sa Visayas, at 2,254 grantees mula sa Mindanao.

Sinabi ni Ledesma na ang mga grantees ay makakatanggap ng subsidy pagkatapos isumite ang mga kinakailangan sa GSIS. Ang subsidy ay hindi maililipat.

Gabriela Baron