Kasunod ng ulat na mayroon nang warrant of arrest laban sa Kapamilya star na si Enchong Dee kaugnay ng kasong cyberliber case na inihain ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto 2021, sumuko ang aktor sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City, ayon sa ulat ng entertainment website na Fashion PULIS.

Dagdag ng Fashion PULIS, hapon na ng Lunes nang humarap si Enchong sa awtoridad dahilan para hindi maproseso ang bail.

Basahin: Cristy Fermin sa umano’y warrant of arrest vs Enchong Dee: ‘Magpiyansa ka’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang matapos sumampa sa Davao Occidental Regional Trial Court ang kasong cyberlibel laban kay Enchong Dee ay naglabas na rin ng warrant of arrest ang mga awtoridad noong Enero 25, Martes.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Naiulat ding hindi mahagilap ng mga awtoridad ang aktor sa idineklarang address nito sa Cubao, Quezon City.