Patay ang dalawang umano'y miyembro ng terrorist group na Daulah Islamiyah (DI) sa ikinasang operasyon ng militar saPolomolok, South Cotabato nitong Lunes, Enero 31.
Ang dalawa ay kinilala ni Major General Juvymax Uy, commander ng oint Task Force (JTF) Central at ng 6th Infantry Division (6ID), na sinaZypol Nilong at Salahudin Usman.
Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, nakasagupa ng mga tauhan ng1st Scout Ranger Battalion ang grupo ng dalawang terorisya sa Barangay Lapu nitong Lunes dakong 10:00 ng umaga.
Bago maganap ang sagupaan, pinaplano umano ng grupo na maghiganti sa militar kasunod ng pagkakapatay ni DI commanderSalahuddin Hassan sa labanan sa Talayan, Maguindanao noong Oktubre29, 2021.
“Following the death of their emir or commander, four of their members surrendered to us: two in Cotabato and two in Maguindanao. That’s where we obtained information as to the whereabouts of their other members,” ayon sa pahayag ng militar.
Tumagal lamang ng limang minuto ang engkuwentro na ikinasawi ng dalawang terorista.
Martin Sadongdong