Nahuli na rin ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang wanted na South Korean dahil sa pagkakasangkot sa phishing at telephone fraud operations sa kanilang bansa, ikinasang operasyon sa bahay nito sa DasmariñasCity, Cavite kamakailan.
Kinilala niBI Commissioner Jaime Morente, ang dayuhan na si Yi Younggwi, 43. Si Younggwi ay inaresto ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa kanyang bahay sa North Dasma Garden Villas,DasmariñasCity, Cavite noong Enero 26.
Isinagawa ang pag-aresto batay na rin sawarrant of deportation na inilabas ng BI noong 2019 dahil sa pagiging undesirable alien nito.
Iniutos na rin ni Morente sa legal division ng ahensya na madaliin ang deportation proceedings laban kay Younggwi upang harapin nito ang kanyang mga kaso sa kanilang bansa.
Nakabinbin din aniya ang warrant of arrest ni Younggwi na ipinalabas ngdistrict court sa Daegu City, South Korea dahil sa mga transaksyong panloloko nito sa kanyang mga kababayan. Nilabag umano ng dayuhan ang electronic financial transactions law.
Wanted din umano ito sa International Criminal Police Organization (Interpol) dahil sa pagkakadawit nito at ng mga kasabwat sa voice phishing at telephone fraud operations kung saan nakapanloko ng 115.7 milyong won ohalos US$100,000.
Naiulat na tumatawag umano ang mga ito sa mga bank depositor at nagpapanggap na opisyal ng bangko kaya nakakakuha sila ng impormasyon kaugnay ng bank accounts ng mga biktima.
Jun Ramirez