May mensahe ang aktres na si Rita Avila sa mga netizen na hindi umano 'Kakampink', o tawag sa mga tagasuporta ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.

May be an image of 1 person and text
Rita Avila (Larawan mula sa FB/Rita Avila)

Sa kaniyang Facebook post nitong Enero 29, pinakiusapan niya ang mga tagasuporta ng ibang presidential candidates na huwag nang bisitahin ang kaniyang page o social media, dahil hindi rin naman niya umano pinag-aaksayahang puntahan ang pages ng iba.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Screengrab mula sa FB/Rita Avila

"Sa mga di naman kakampink," panimula ni Rita.

"Wag na kayo pumunta sa page ko kasi di ko naman pinag-aaksayahan puntahan ang inyo."

"Sasabihan n'yo akong diktador at tumahimik na eh kayo ang diktador. Page ko ito."

Sinagot din ni Rita kung bakit nagsasara siya ng comment section.

"Nagtatanong kayo kung bakit nagsasara ako ng comment section? Dahil sa inyo na baseless, senseless, at evil ang comments."

"Kung iba ang gusto n'yo, di iba ang gusto n'yo."

"Kung nagpo-post ako ng katotohanan, para sa mga walang alam at mali ang alam. Di ako tulad ng iba na hahayaang mamayagpag ang mali at kasinungalingan."

"Hindi ako magtutulak sa kasamaan."

Sa kabila umano ng 'trato' sa kaniya ng mga netizen na lihis ang paniniwala sa kaniyang paniniwala, tao pa rin ang trato niya sa kanila.

"Kahit ganyan kayo, tinatrato ko pa din kayo bilang tao."

"Madalas ay mahinahon akong sumagot sa ilan sa inyo pero minsan kelangan din kayong tapatan dahil sobra kayong masama.

May araw din na kayo ay magigising at mauusawan."

Para kay Rita, magkakaiba man sa paniniwala ay may halaga pa rin ang bawat isa, kaya huwag na huwag ibaba ang pagkatao. Kailangan din umanong manaig ang kabutihan kaysa kasamaan.

"Di man tayo lahat perpekto ay mas magandang nakakaangat ang kabutihan kaysa sa kasamaan."

"P.S. May halaga pa din tayong lahat. Huwag po magpakababa ng pagkatao."

Samantala, ibinahagi rin ni Rita na 'out of decency' ay nagkausap na sila ni Tito Boy Abunda.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/30/rita-at-tito-boy-nag-usap-na-out-of-decency-i-reached-out-to-him/

Matatandaang naiulat na tila hindi nagustuhan ni Rita ang naging daloy ng pagtatanong at panayam ng TV host sa kanyang one-kay VP Leni, noong Miyerkules, Enero 26.

Ayon kay Rita, nagkausap na sila ni Boy matapos niyang kusang i-text ang TV host, at tinawagan naman umano siya nito kaya nakapag-usap sila nang maayos.

Rita Avila at Boy Abunda (Larawan mula sa FB/IG/Rita Avila)

Ayon sa FB post ni Rita, matagal na silang magkaibigan ng King of Talk bagama’t hindi na sila madalas magkita. Bagama’t pareho silang outspoken at totoong tao, hindi naman nawawala ang paggalang nila sa isa’t isa, kahit na minsan ay nagkakaiba sila ng pananaw o komento sa iba’t ibang isyu.