Mukhang nagkausap na sina Rita Avila at King of Talk Boy Abunda, ayon sa latest update ng aktres sa kaniyang Facebook posts.

Matatandaang naiulat na tila hindi nagustuhan ni Rita ang naging daloy ng pagtatanong at panayam ng TV host sa kanyang one-kay VP Leni, noong Miyerkules, Enero 26.

Ayon kay Rita, nagkausap na sila ni Boy matapos niyang kusang i-text ang TV host, at tinawagan naman umano siya nito kaya nakapag-usap sila nang maayos.

Ayon sa FB post ni Rita, matagal na silang magkaibigan ng King of Talk bagama't hindi na sila madalas magkita. Bagama't pareho silang outspoken at totoong tao, hindi naman nawawala ang paggalang nila sa isa't isa, kahit na minsan ay nagkakaiba sila ng pananaw o komento sa iba't ibang isyu.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Rita Avila (Screengrab mula sa FB/Rita Avila)

"For the longest time, Boy and I have been friends though we do not see each other often. We are both outspoken and honest, yet, we can still respect each other even if we say dissenting comments or otherwise about relevant issues."

"Out of decency, I reached out to him and he called to return the respect."

At may pangako umano sila sa isa't isa, na kahit anong mangyari, mananatili pa rin ang paggalang na iyon, mananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

"In his appreciation for my trust, we promised to remain as good friends in this kind of world."

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Rita na walang masamang tinapay kay Tito Boy kung nagbigay man ng opinyon si Rita sa naging daloy ng panayam nito kay VP Leni.

"Boy didn’t see anything wrong with my public opinion, you are free to think of what you want but what matters to me is Boy.

I felt free to voice out in public because I have my own honest opinion about something I have witnessed. D lang ako ang nakakita at nakaramdam," aniya.

"I felt free to voice out because I know Boy will accept my honesty."

"I felt free to voice out because it was also the voice of many."

May permiso umano mula kay Tito Boy na sabihin niya sa publiko ang kanilang pag-uusap.

"Kaya nga sabi sa akin ni Boy, “Tell them that I called you up after reading your text message so they could see how proper & respectful two open minded friends can be."

"Thanks to all who saw the good lesson," pahayag pa ng aktres.

Rita Avila (Screengrab mula sa FB/Rita Avila)

Sa ngayon, hiling ni Rita na huwag na sanang palakihin pa ang isyu sa kanila ni Tito Boy dahil wala namang masamang tinapay sa isa't isa, in the first place.