Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na posibleng magkaroon ng mapaminsalang pagsabog ang Taal Volcano sa Batangas.
“So far, hindi tayonage-expect ng mas delikadong pagsabog sa kasalukuyan kasi hindi masyadong naiipon ang volcanic gas nainiaakyatng magma. Mas delikado kasi kapag naiipon at tumataas ang pressure,” paliwanag ni Science and Technology Undersecretary at Phivolcs Director Renato Solidum, Jr. sa isang radio interview nitong Linggo ng umaga.
Reaksyon ito ni Solidum matapos na maitala ang walong mahihinangphreatomagmatic bursts sa main crater ng Taal nitong Enero 29.
Ang pagbuga aniya ng nakalalasong usok ng bulkan ay indikasyon na nagkakaroon sa pressure sa volcanic gas na pinakawalan ng magma sa mababaw na bahagi ng bunganga nito.
Kaagad ding binalaan ni Solidum ang publiko na bawal pa rin ang paglapit at pagpasok saTaal Volcano Island (TVI).
“Inuulit po namin na huwag pumunta ang ating mga kababayan d’yan sa TVI kasi delikado ang pagkakaroon ng biglang paglabas ng gas dahil minsan ay may pagsabog na delikado sa isla," babala ng opisyal.
Wala pa rin aniyang nakikitang banta upang lumikas ang mga residente sa palibot ng bulkan na isinailalim pa rin sa Alert Level 2.
Babala nito, posiblepa rin aniyang magbuga ng makapal at nakalalasong usok ang Taal, abo, bukod pa ang inaasahang mga pagyanig nito.
Charie Mae Abarca