Nagpakita muli ng impresibong performance si Kai Sotto para sa Adelaide 36ers nang sorpresahin ng mga ito ang league leader Melbourne United, sa pamamagitan ng 88-83 overtime win nitong Linggo sa pagpapatuloy ng 2021-22 NBL season sa Adelaide Entertainment Centre.

Bago ang tumunog ang buzzer sa final canto, pumukol muna si Sotto sa natitirang 33 segundo sa overtime para tumapos sa laro na may 12-puntos, 4-rebounds at 1-assist sa loob ng 21 minuto at 15 segundo sa loob ng court.

Nakakatatlong sunod na laro nang nagtala ng double digit si Sotto upang matulungan ang 36ers namakaahon buhat sa kinasadlakang 3-game losing skid at umangat sa 4-3 kartada.

Namuno si Dusty Hannah sa nasabing panalo ng 36ers, sa itinala nitong 19 puntos, walo dito ay ibinuslo niya sa overtime, gayundin ang corner three kaya naging 74-all ang laro, may natitirang 13.5 segundo sa regulation hanggang sa humantong sa 5-minute extension ang laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa pagkatalo, dumausdos ang league-champion sa 8-3 panalo-talo.

Marivic Awitan