Ikinawindang ng netizens ang ibinahaging 'shower' video ng naliligong si Derek Ramsay, na kinunan naman ng kaniyang misis na si Ellen Adarna at inupload sa kaniyang Instagram.

Makikita sa video na gulat na gulat si Derek nang mabuking niya na kinukunan na pala siya ng video ng kaniyang misis; bagay na normal na sa kanilang magsagawa ng kung ano-anong prank, na kinaaaliwan naman ng kanilang supporters. Tawa naman nang tawa si Ellen sa video.

"So Sexy!!!!!! Ulbong Caspa uy," caption ni Ellen sa kaniyang Instagram post.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Derek Ramsay (Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna)

Derek Ramsay (Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna)

Derek Ramsay (Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna)

Derek Ramsay (Screengrab mula sa IG/Ellen Adarna)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa netizens.

"Although Ellen is just simply proud of how sexy her hubby is. So we cannot blame her."

"OMG I can imagine your daily life hehehe!"

"High blood real quick naman si Derek!"

May humiling naman na next time daw, ibaba pa niya ang view ng camera para maispatan man lamang ang pwet ng mister. May mga humamon din sa kaniya na gawin ang 'oten' o 'talong' reveal naman daw ang gawin ni Ellen kay Derek. Bagay na pabirong pinalagan na ni Ellen.

"You hoe! Not for public consumption. Private property trespassers will be shot in the head (laughing emoji)," saad ni Ellen.

Ikinasal sina Derek at Ellen noong Nobyembre 2021.