Muling sinagot ni Commission on Election (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang kapwa commissioner nitong si Aimee Ferolino kung bakit matagal nito ilabas ang boto niya sa disqualification case kontra presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa tweet ng papaalis na commissioner ngayong Linggo, Enero 30, sinabi nito na dapat ay walang tinatago ang tulad nilang public officials.

"When we are public officials we have no claim to privacy. Lahat ng baho natin lalabas. Ilabas na nya ang ponencia Reso sa Monday!" ani Guanzon.

Nauna nang sinabi ni Ferolino na nakakatanggap ito ng napakaraming text messages at mensahe mula sa Viber noong dumating sa kanyang opisina ang kaso ni Marcos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, kinakailan niya limitahan ang kanyang kabaitan at tigilan nang kausapin si Guanzon dahil naaapektuhan na umano ang kanyang privacy at katahimikan.

"These past few days, I had to limit my kindness and stopped entertaining her because she has taken away from me my privacy and peace," ani Ferolino.

Sinabi rin ni Ferolino na iniimpluwensiyahan siya umano ni Guanzon sa kanyang desisyon para sa kaso ni Marcos.

Basahin: Ferolino, sumagot kay Guanzon: ‘Iniimpluwensiyahan niya ako sa DQ cases vs Marcos’

Para kay Guanzon, meron umanong 'tao' sa likod ng pagpapatagal ng paglalabas ng resulta sa DQ case ni Marcos.

“Siguradong powerful itong taong ito,” paghahayag ni Guanzon sa eksklusibong interbyu sa kanya sa GMA News, dito rin niya inilahad na boto siya na ma-disqualify si Marcos dahil sa tingin niya, mayroong 'moral turpitude' base sa mga ebidensya at batas.

Ngunit sa sulat ni Ferolino kay Comelec chairperson Sheriff Abas, sinagot nito ang alegasyon ni Guanzon na bilang ponente sa kaso ni Marcos ay inaantala umano nito ang pagpapalabas ng desisyon sa kaso.

Kalaunan, itinanggi naman ni Ferolino na nagkaroon ng sobrang pagkaantala sa pagpapalabas ng desisyon sa kaso, ayon na rin sa liham nito kay Abas.