Isang dokumento mula pa noong 1961 ang nagsilbing resibo ni Edu Manzano upang ilahad ang “integrity, honesty and patriotism” ng pamilya Diokno.

Sa isang Twitter at Instagram post noong Sabado, Enero 29, ibinahagi ni Edu ang nakitang dokumento na may petsang Abril 12, 1961.

Ang naturang dokumento ay apela ng ama ni Chel Diokno na si Atty. Jose Diokno, na maging permanenteng residente ng Pilipinas sina Edu na ipinanganak sa Amerika. Pagbabahagi ni Edu, tumayong family lawyer ng kanilang pamilya ang ama ni Diokno.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/realedumanzano/status/1487425157937655810

“My dad always spoke highly of the Diokno Family. Integrity, honesty and patriotism were at the top of the list,” mababasa sa caption ng Tweet ni Edu.

Tumatakbong senador si Chel Diokno sa May 2022 polls sa ilalim ng piket ni Vice President Leni Robredo na naghahangad na umupo sa Palasyo.