Habang papalapit ang Chinese New Year, binalaan ng EcoWaste Coalition (EWC) ang publiko sa pagbili ng mga lucky charm bracelets na naglalaman ng cadmium (Cd), isang kemikal na nagdudulot ng kanser.

Sa isang pahayag, sinabi ng grupo na natagpuan ang cadmium matapos pag-aralan ang siyam na bracelets na binili sa Binondo at Quiapo Manila.

Sa siyam na sample, nakita ng mga eksperto sa EcoWaste ang labis na antas ng cadmium sa walong bracelet gamit ang advanced na Olympus Vanta M Series X-Ray Fluorescence (XRF) analyzer.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula Manila Bulletin

Sa walong sample, ang isang sample ay naglalaman ng 5,800 parts per million (ppm) ng cadmium, samantalang ang pitong iba ay naglalaman ng cadmium sa 139,900 hanggang 389,900 ppm range. Nililimitahan ng European Union ang cadmium sa mga bahagi ng metal ng alahas sa 0.01 porsiyento sa timbang o 100 ppm.

Binalaan ng EcoWaste Coalition Chemical Safety Campaigner na si Thony Dizon ang publiko sa pagkka-expose ng cadmium sa pamamagitan ng dermal contact o pagdila nito.

“Children can be exposed to cadmium, especially if the cadmium-laden tiger is sucked by a child or if it is detached from the bracelet and is swallowed by a child,” ani Dizon.

Sa halip, pinayuhan niya ang mga naghahanap ng swerte na maghanap ng alternatibo at humanap ng swerte sa isang healthy lifestyle, pagsusumikap, pagdarasal, at mabuting gawa.

Noong Mayo 6, 2021, naglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng chemical control order (CCO) para sa cadmium at mga derivatives nito.

Ang Cadmium ay nasa Priority Chemicals List (PCL) ng gobyerno, na kinabibilangan ng mga kemikal na itinuturing na mapanganib sa kapaligiran o kalusugan ng publiko.

Faith Argosino