Humingi ng karagdagang imbestigasyon ang Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) sa NBI-CCD (National Bureau of Investigation-Cybercrime Division) at PNP-ACG (Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group) dahil sa umano'y banta ng pagpatay kay presidential aspirant at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Sinabi ni DOJ-OOC Officer-in-Charge Director Charito A. Zamora nitong Linggo, Enero 30, na inaksyunan ng kanyang tanggapan ang natanggap niyang ulat noong Biyernes, Enero 28, mula sa isang concerned citizen.
“Every now and then we would receive a text or email from concerned citizens and reports in the social media which they feel must be looked into, and we always act on it,” ani Zamora.
Sinabi niya na ang mga nasabing banta laban kay BBM ay nakita sa comment section ng video na ipinostng user na si@joiedevivre420 sa social media app na TikTok.
Ayon sa komento,“Nagmemeeting kami araw-araw para paghandaang ipa-aasasinate naming si BBM humanda kayo."
“We made an initial investigation on the matter and referred the same to the NBI-CCD (National Bureau of Investigation-Cybercrime Division) and PNP-ACG (Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group) for further investigation,” ayon kay Zamora.“We also emailed the Tik Tok Law Enforcement Outreach and requested the data related to the subject account preserved pending investigation by the law enforcement agents concerned,” dagdag pa niya.
Jeffrey Damicog