Nagpapatuloy ang downtrend o pagbaba ng mga naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito ang kapwa pahayag nina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Asenso Manileño mayoral candidate, Vice Mayor Honey Lacuna nitong Linggo.

Kaugnay nito, kapwa umaapela sina Moreno at Lacuna sa mga Manilenyo na may anak na edad lima hanggang 11-taong gulang, na iparehistro na ang mga ito para sa vaccination na magsisimula na sa Pebrero 4.

Nabatid na sa kasalukuyan ay may kabuuan ng 12,071 na minors na nasa 5-11 age group ang pre-registered na sa COVID-19 vaccination, habang nasa 186,540 naman ang nagparehistro sa mga nasa edad 12 hanggang 17 na.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ipinaalala ni Moreno na mahalaga ang pagbabakuna sa mga residente upang magpatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng sakit sa lungsod.

Mahigpit rin ang paalala niya sa mga residente na huwag magpabaya at ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum health protocols upang makaiwas na mahawaan ng virus.

“Let us please continue observing the basic health protocols at magkaroon po tayo ng kusang disiplina,” sabi ng alkalde.

Nabatid na hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Enero 29, mayroon na lamang na 119 bagong confirmed active cases na naitala sa lungsod habang may 201 naman recoveries at dalawa ang naitalang namatay.

Ito, ayon sa alkalde, ay malaking pagbabago kumpara sa bilang na naitatala matapos ang holidays.

Maging sa Manila COVID-19 Field Hospital, sinabi ni Moreno na iniulat sa kanya ni Director Dr. Arlene Dominguez na ang occupancy rate dito ay bumaba sa 21% o 73 mula sa344 beds na lamang ang nauukopa.

Mary Ann Santiago