Naghahanda na ang mga opisyal sa Boracay Island para sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong dayuhang turista dahil na rin sa pagluwag ng quarantine protocols sa bansa.

Paliwanag ni Malay, Aklan tourism operations officer Felix delos Santos, sinimulan na nilang magsagawa ng sunud-sunod na pagpupulong bago pa ang inaasahang pagpasok ng mga turista sa isla.

"Ngayon, [we're] still in the process of crafting [guidelines] pero nasisigurado po na nandiyan pa rin 'yong health and safety protocol natin for the protection of our tourists as well as with our community," pahayag ni Delos Santos sa isang television interview.

Hihingan aniya hihingan nila ng negatibong RT-PCR test results at proof of vaccination ang mga dayuhan at mga local tourist upang matiyak na hindi magkaroon ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa lugar.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Kailangan aniya nilang makabawi sa pagkalugi dulot ng pandemya dahil umaasa lamang sa turismo ang mga residente ng isla.

Tiniyak din nito na ipatutupad pa rin nila anghealth and safety protocols upang maproteksyunan ang mga ito laban sa sakit.