How true na nahaharap umano ang TV host na si Paolo Bediones sa kasong nakatakdang isampa sa kaniya ng mga staff at crew na aabot sa 100, dahil hindi umano naibigay ang nakatakdang bayad sana sa kanila?

Ayon sa ulat, nag-ugat umano ang reklamo mula sa mga dating staff ni Bediones nang hindi umano matanggap ang kanilang suweldo sa tamang oras, matapos magtrabaho para sa programang ‘Top of the Class,’ gayundin ang isang online class para sa DepEd TV ng Department of Education, na nabigyang-daan simula nang magkapandemya.

“We were working as early as August 2020. Nag-start umere ‘yung mga TV lessons namin October 2020," saad umano ng isa sa mga reliable source na naging staff ni Bediones.

Dagdag pa, marami na raw silang nai-tape na episodes subalit hanggang ngayon daw ay waley pa rin ang bayad sa kaniya. Kaya tanong nila, 'anong petsa na?'

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kapag nagfa-follow up umano sila ng suweldo nila, lagi raw nitong dinadahilan na hindi pa siya binabayaran ng kaniyang ka-deal kaya wala rin siyang maipambayad sa kanila.

Samantala, handa naman umanong harapin ni Bediones ang legal action na balak isampa sa kaniya, batay sa ipinadala niyang text message sa isang news outlet. Hindi naman umano niya tatakbuhan ang mga nagrereklamong staff at crew; sa katunayan, gumagawa na sila nang paraan ng kaniyang team upang humanap ng additional funding upang maibigay na ang nararapat na suweldo para sa kanila. Alam naman umano ng kaniyang kompanya ang obligasyon nila sa mga freelance worker na nasa likod ng kaniyang proyekto.

“The company welcomes the legal process to take place so both parties can clearly be identified and present their side, instead of going to the media where the company may be judged prematurely,” aniya.

"There have been delays in talent fees and the company is finding ways to rectify the situation by sourcing additional funding."

“The company is also fully aware of its obligations to the freelancers who worked on the project. There are also some areas of dispute and compliance which have yet to be resolved," paliwanag ni Bediones.

Nawa ay magkaayos na ang dalawang panig sa lalong madaling panahon.