Tuloy pa rin ang pag-aalburoto ng Taal Volcano sa Batangas nitong Sabado, Enero 29.

Ito ay matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang walong mahihinang phreatomagmatic bursts sa main crater mula 1:18 ng hapon hanggang 9:57 ng gabi.

"These events were very short lived, lasting only 10 seconds to two minutes," ayon sa pahayag ng Phivolcs.

Sa report naman ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang ibinugang usok ay umabot ng 900 metro.

Probinsya

Matapos umanong mabaril sarili: Dueñas Vice Mayor, pumanaw na

Aminado ang Phivolcs na halos hindi nakapagtala ng pagyanig ang bulkan simula noong Disyembre 19, gayunman, nasa Alert Level 2 pa rin ang bulkan.

Babala ng ahensya, senyales ito na posibleng magkaroon ngphreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at pagbuga ng nakalalasong usok ng bulkan.

Ipinagbabawal pa rin ang paglapit o pagpasok sa Taal Volcano Island dahil isinailalim ito sa permanent danger zone.