Pito ang naaresto nang masamsaman sila ng₱3.2 milyong halaga ng shabu at marijuana sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan nitong Enero 29.

Sa unang operasyon na ikinasa ng pulisya sa Malolos City, kinilala ni acting Bulacan Police director, Col. Rommel Ochave, ang dalawang dinakip na sina John Archie Sabado, 32, taga- Bongabon, Nueva Ecija, at 17 taong gulang na lalaking taga-San Andres, Cainta Rizal.

Nakumpiska sa kanila ang 20 na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng₱2.8 milyon, mga cellphone, buy-bust money at isang sasakyan.

Arestado naman sa ikalawang operasyon sinaArturo Trinos; Norilyn Mariano; Annalyn Dupra; Sanny Bernardo; at isang 17-anyos na lalaki, pawang taga-Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Nasamsam sa limang suspek ang 12 plastic sachet ng shabu na tinatayang aabot sa 50 gramo at nagkakahalaga ng₱400,000; ilang drug paraphernalias, at marked money.

Ang pitong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Freddie Velez