Pinahihintulutan na ng Pateros municipal government ang walk-in sa drive-thru booster vaccination site nito.

Ito ay inanunsyo ni Mayor Miguel "Ike" Ponce III nitong Enero 28, matapos ma-obserbahan na bumababa ang bilang ng mga taong nagpapa-booster shot.

“We saw a decrease in the number of people getting their booster shots in the past few days so we will try to allow walks-ins tomorrow [Jan. 29],” aniya sa kanyang Facebook live.

Inilunsad ng municipal government ang drive-thru booster vaccination noong Enero 24 upang madagdagan ang bilang ng mga taong makakakuha ng booster.

Politics

'Ilalaban ko na ito!' Sen. Alan, haharapin isyu ng 2019 SEA Games laban sa kaniya